embed embed2
  • Maraming Hollywood Celebrities Ang May Dyslexia Katulad Ni Regine Velasquez

    Ang dyslexia ay isang uri ng learning disability na hindi dapat pagtawanan.
    by Jocelyn Valle .
  • Inulan ng batikos si Regine Velasquez sa Instagram nang magkamali siya sa spelling ng pangalan ni Kobe Bryant sa kanyang sympathy post para sa American basketball superstar na yumao nito lamang Lunes, January 27, 2020.

    Ayun sa report ng Pep.ph, edited na ang caption at disabled na rin ang comments section sa naturang IG post, kung saan makikita ang larawan ni Kobe na suot ang dilaw na jersey ng kanyang koponan na Los Angeles Lakers sa National Basketball Association (NBA).  

    “Sad day [crying emoji] #RIPKobe” ang nakasaad sa caption ni Regine, ngunit ayon sa mga naunang nakakita nito sa IG feed ay #RIPCoby daw ang nakasulat.

    More from Smart Parenting

     

    Makaraan ang kalahating oras sa Twitter naman nag-post ang singer-actress upang maglabas ng saloobin. Inamin niya na madalas siyang magkamali sa spelling dahil daw sa kanyang dyslexia. Nagbigay din siya ng paalala na sa pagwawasto ng kanyang mali huwag naman daw siyang ipahiya. Maging mabait na lang daw nang hindi sumama ang kanyang loob.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Aniya sa kanyang tweet, “I always make a mistake with spelling someone’s name. You can correct me without embarrassing me, and it’s ok. I have dyslexia I have a hard time with spelling. Please be kind. Again you can correct me without making me feel bad.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ano nga ba ang dyslexia

    Tinalakay ang dyslexia sa isang artikulo na nailathala dito sa SmartParenting.com.ph noong August 4, 2017. Ito ay kabilang sa paksang learning disability, na ayon sa Learning Disabilities of America, ay nakakaapekto kung paano ang isang tao ay matuto, makaintindi, makipag-usap, at makaalala ng impormasyon.

    Ang dyslexia ay isang uri ng learning disability, kung saan apektado ang pagsulat, pagbasa, at pagbaybay, o spelling. Sa mga batang may dyslexia, ang antas ng kanilang kakayahang bumasa at bumaybay ay mababa nang dalawa o tatlo sa mga ka-edad nila. Ito ang paliwanag ni Cristina Rowena S. Padilla, na reading specialist at guro sa Child Development and Special Education Department ng College of Education sa Miriam College sa Quezon City.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

     

    Aniya, “About five percent of any age group would have dyslexia or some other forms of learning disability.” (“Mga limang porsiyento ng alinmang age group ay nagkakaroon ng dyslexia o iba pang anyo ng learning disability.”)

    Sa katunayan, maraming Hollywood celebrities ang may dyslexia katulad ng actor na si Tom Cruise at Jim Carrey, ang director na si Steven Spielberg, ang singer na si Cher at ang celebrity chef na si Jaime Oliver. Inamin din ng Hollywood actress na si Jennifer Aniston na meron siyang dyslexia. Nalaman na lamang niya sa kanyang 20s. Meron ding dyslexia ang British actress na si Keira Knightley. Sinabi nya na madalas siyang tuksuhin na stupid.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Malungkot namang pansin ni Deidre Jude Taino, ang founder ng The Reading House, isang center sa San Juan na naglalayong tulungan ang mga batang may learning disabilities, na kaunti lamang ang kaalaman tungkol sa dyslexia dito sa Pilipinas. Kaya raw ang mga batang may ganitong kundisyon ay tinatawag na “slow,” “always behind,” o ang masaklap pa, “stupid.”

    Giit ni Padilla na hindi talino o intelligence ang punto dito. Ang dyslexia ay habambuhay na kundisyon. Hindi ito nawawala, pero ito ay manageable.

    Sabi ni Padilla, “Difficulties manifest when they enter kindergarten and or grade 1 especially when they attend a traditional school. What happens is they become too busy and overwhelmed with the mechanical task of word reading that little processing space is left for comprehension.” (Nagsisimulang lumabas ang problema kapag pumasok na ang bata sa kindergarten o grade 1, lalo na kapag nasa traditional school sila. Ang nangyayari, nagiging abala at buhos sila sa mechanical task ng pagbasa ng salita kaya konting puwang na lang ang natitira para sa pag-intindi.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles