embed embed2
  • Kasama Ba Ang Ride-Hailing Service Sa Child Car Seat Law?

    Sa ngayon, private motor vehicles lang ang sakop ng batas at wala munang pagmumulta.
    by Jocelyn Valle .
Kasama Ba Ang Ride-Hailing Service Sa Child Car Seat Law?
PHOTO BY Shutterstock
  • Bagama't oras na para ipatupad ang bagong batas na nag-uutos ng paglalagay ng child car seat sa mga sasakyang de motor nitong February 2, 2021, ipagpapaliban muna ng Department of Transportation (DOTr) ang full enforcment nito.

    Magsasagawa muna ang ahensiya ng "comprehensive information, education, and communications (IEC) campaign."

    Naging matindi kasi ang reaction ng mga magulang na may sasakyan lalo na pagdating sa height requirement.

    Dapat tandaan lamang na naisabatas na ang Republic Act 11229, or the Child Safety in Motor Vehicles Act Child. Ibig sabihin lamang ng delay ng enforcement hindi ka huhulihin o walang penalty ngayon kung walang car seat.

    Ito ang ginawang paglilinaw sa rules and regulations ng DOTr sa online press briefing ng Road and Transport Infrastructure Sector.

    Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Edgar Galvate, wala munang pagmumultahin sa ngayon. Layunin muna nila ang palawakin ang kaalaman ng madla tungkol sa kahalagahan ng child car seat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahad pa niya, “Hindi po gagawin ng LTO na mag-penalize agad o magbigay ng kaukulang sanction doon sa mga lumalabag. But, ang panawagan po is, again, we seek the cooperation of everyone para tunay pong marating ’yong purpose po nitong batas na ito.”

    Dagdag ni Goddes Hope Libiran, ang assistant secretary for Communications and Commuter Affairs ng DOTr, “Huwag kayong mangamba na huhulihin ang lumalabag at pagmumultahin nang malaki.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pero darating ang panahon na wala ka nang takas sa child car seat. It's a question of when, not if, ika nga. Kaya ngayon pa lang dapat maghanda na.

    Tanging private vehicles lamang ang sakop ng batas sa ngayon. Magsasagawa pa ng pag-aaral o feasibility study ang DOTr kung magiging applicable rin ang child car seat law sa public utility vehicles (PUVs). Sakop sa PUVs ang mga sasakyan ng ride-hailing service ng Grab.

    “Kung ito ay feasible, kailangan po ng DOTr na mag-submit ng recommendation sa Congress para po ay kanilang mapag-aralan at maisabatas din po,” ayon kay Asec Libiran.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag ni Asec Galvate na hangad nila na mabawasan “to the bare minimum” ang mga insidente kung saan nadi-disgrasya ang mga bata dahil hindi sila nakakagamit ng car seat o walang car seat sa sasakyan.

    Ani Asec. Libiran “Ang magiging focus po natin ngayon ay 'yung ating massive information, education, and communication campaign, in coordination with PIA, DepEd, DOH, pati na rin po ang DTI at ang other friends po natin from the private sector.

    “Kasi, at the end of the day, kailangan nating maipaalam sa ating mga kababayan na wala pong katumbas na halaga ang buhay ng tao. Lalung-lalong wala pong katumbas na halaga 'yung buhay ng mga mahal natin sa buhay. Kaya ito pong batas na ito ay ipinatutupad natin—pinatutupad ng ating gobyerno para po maprotektahan 'yung buhay ng ating mga kababayan, lalong-lalo na po yung ating mga anak, mga pamangkin, 'yung ating mga mahal sa buhay.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    “Ang magiging focus po natin ngayon ay 'yung ating massive information, education, and communication campaign, in coordination with PIA, DepEd, DOH, pati na rin po ang DTI at ang other friends po natin from the private sector. Kasi, at the end of the day, kailangan nating maipaalam sa ating mga kababayan na wala pong katumbas na halaga ang buhay ng tao. Lalung-lalong wala pong katumbas na halaga 'yung buhay ng mga mahal natin sa buhay. Kaya ito pong batas na ito ay ipinatutupad natin—pinatutupad ng ating gobyerno para po maprotektahan 'yung buhay ng ating mga kababayan, lalong-lalo na po yung ating mga anak, mga pamangkin, 'yung ating mga mahal sa buhay,” ani Asec. Libiran.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles