embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Christmas 2019: Ilang Celebrity Families Nagdiwang Abroad!

    Enjoy silang makaranas ng White Christmas.
    by Jocelyn Valle .
Christmas 2019: Ilang Celebrity Families Nagdiwang Abroad!
PHOTO BY @korina and @krisaquino via Instagram
  • Ngayong holiday season ay may celebrity parents na piniling dalhin ang kani-kanilang mga pamilya abroad para magdiwang ng Kapaskuhan. Narito ang ilan sa kanila: 

    Kris Aquino sa U.S.

    Pumunta si Kris Aquino at kanyang two sons na sina Josh at Bimby sa California upang makapiling ang ilan niyang kaibigan sa Orange County na itinuturing na rin niya pamilya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “FRIENDS are the FAMILY we got to choose for ourselves,” pahayag ng actress-TV host sa caption ng isa niyang Instagram post. 

    Sa gitna ng ulan at lamig ay bumisita ang mag-iina sa Mission Basilica San Juan Capistrano at nagsindi ng kandila. 

    Gabby Eigenmann sa U.S.

    Nasa California din si Gabby Eigenmann, ngunit nasa parteng South Lake Tahoe, kung saan may snow. Kasama niyang nagsasaya sa Winter Wonderland ang kanyang misis na si Apples at kanilang grown-up kids na sina Josh, Gabbi, Liam, at Mattie.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Awesome experience with the fam in Tahoe,” sambit ng GMA-7 actor, na kabilang sa primetime teleserye na Beautiful Justice, sa kanyang Instagram post.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Troy Montero at Aubrey Miles sa U.S.

    Binalikan ni Troy Montero, isang Filipino-American actor, ang kanyang birthplace sa Washington kasama ang longtime partner na si Aubrey Miles at mga anak na sina Hunter at Rocket. 

    Isa sa mga pinasyalan ng celebrity couple at kanilang mga supling ay ang Leavenworth, isang snowy recreation at vacation spot na kilala bilang “The Bavarian Village.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa sobrang lamig at kapal ng yelo ay para daw silang nasa loob ng snow globe, ayon sa Instagram post ng actress at fitness trainer. Dagdag pa niya, “It’s surreal.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Korina Sanchez sa Japan

    Enjoy si Korina Sanchez na ipasyal ang twin kids nila ng mister na si Mar Roxas sa siyudad ng Tokyo. Siniguro niya na “super balot parang suman at pinasok sa oven” sina Pepe at Pilar para safe ang mga ito sa hangin at lamig.

    Dinala ng ABS-CBN broadcast journalist ang mga anak sa park at hinayag sa Instagram post kung ano ang naging reaksyon ng mga ito. Aniya, “Pepe got fussy when he was hungry and sleepy. Si Pilar, ayan lang chill. Nakaupo. Taking it all in. Loves the sunshine.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi napigilan ni Korina na kunan pa ng litrato sina Pepe at Pilar. Komento niya, “Hirap to get both of them smiling at the same time! Kaya ayan. Dalawa nalang.” 

    Nagbalik-tanaw din siya sa panahong nabuo ang kambal sa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF). Pag-amin niya, “The thought of twins over ten months ago was getting me anxious and worried. Dobol Trobol? Kaya ko ba ito?”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dugtong pa niya, “Today, it is really pure bliss. Can't imagine one without the other. So different from each other, but a unique wonder in themselves. Double happiness. Our greatest gifts.”

    More from Smart Parenting

    Gelli de Belen at Ariel Rivera sa Japan

    Nasa Tokyo din ang mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera kapiling ang kanilang two boys na sina Joaquin at Julio.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “So grateful to be complete,” sabi ni Gelli sa isang Instagram post. Bihira kasi nilang makasama ang kanilang mga anak na nag-aaral ng college sa Canada, kung saan lumaki si Ariel. 

    Abala naman ang celebrity couple sa kani-kanilang mga trabaho sa magkaibang TV station. Si Gelli ay kabilang sa cast ng Beautiful Justice ng GMA-7 at si Ariel naman ay mainstay ng ABS-CBN daytime soap na Sandugo. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pia Guanio sa Switzerland

    Tunay na White Christmas ang naranasan ni Pia Guanio sa Swiss mountain resort na Zermatt. Nagpunta siya doon kasama ang mister na si Steve Mago at kanilang two girls na sina Scarlet at Brooklyn.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento ng Eat Bulaga cohost na nagbiyahe silang mag-anak ng 24 hours galing Pilipinas. Pero pahayag niya sa Instagram post, “So worth it!!! Thank you, Lord for your protection, safety and provision!!”

    Mukhang hindi rin ininda nila Scarlet at Brooklyn ang mahabang biyahe dahil enjoy sila kaagad sa paglalaro sa snow.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles