embed embed2
  • Daddy Shark At Deadpool Costumes Ang Ginamit Nilang PPE Dahil Iba Ang Pinoy!

    Hindi kailangan maging boring ang protective suit mo
    by Lei Dimarucut-Sison .
Daddy Shark At Deadpool Costumes Ang Ginamit Nilang PPE Dahil Iba Ang Pinoy!
PHOTO BY Albert Labrador (Spot), Jerome Ascano (Spin)
  • May dahilan kung bakit sinasabing mga Pinoy ang pinaka-masayahing tao sa mundo — hindi natin hinahayaang talunin tayo ng kahit anumang dagok ng buhay. Kalamidad man o karamdaman, gaya ng COVID-19 crisis na ito, alam nating malalagpasan natin ito dahil marunong tayong tumawa para mapagaan ang sitwasyon.

    Alam ng lahat na ang COVID-19 ay isang nakakahawa at nakamamatay na sakit, na nalilipat sa pamamagitan ng close contact sa isang mayroon nito (kapag umubo o humatsing nang walang takip ang bibig, halimbawa), o sa paghawak ng kontaminadong mga bagay.

    Kaya naman ang payo sa publiko, manatili na lamang sa bahay. At kung kailangan mang lumabas, makatutulong ang pagsuot ng damit na tatakip sa malaking bahagi ng mukha at buong katawan para makaiwas sa coronavirus

    At dahil sila ay Pinoy, hindi lamang protective gear ang isinuot ng tatlo kataong ito nang kinailangan nilang lumabas ng bahay — ni-level up pa nila!

    What other parents are reading

    Daddy Shark

    Napakanta ka ba ng "Daa-ddy shark-doo-doo-doo-roo" noong makita mong mag-viral ang larawang ito sa social media? April 1 noong mamataan malapit sa Landmark Trinoma ang isang taong nakasuot ng blue shark costume, na ayon sa article sa Spot.ph ay nandoon para mamili sa supermarket. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang magkaibigang Albert Labrador at Mario Gregorio Aglipay ang nakaisip nito pagkatapos makatanggap ni Mario ng shark suit galing sa isang kamag-anak sa U.S. Dahil wala silang personal protective equipment, ito na nga ang ginamit nilang improvised suit para protektahan ang sarili.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "The line [of shoppers and even guards] was all smiles...it was a great feeling seeing everyone laugh despite the crisis," sabi ni Albert. "Mission accomplished" daw ito para sa kanila.

    Deadpool

     

    PHOTO BY Jerome Ascano for Spin.ph
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Kung pamilyar kayo sa Marvel comics characters, maaring kilala ninyo si Deadpool bilang madaldal at nakakatawang superhero. Ang kanyang pulang spandex costume ay madali ring matandaan, kung kaya nang makita si "Deadpool" sa may Munoz Public Market kahapon, April 7, hindi maiwasan ang maging sentro siya ng atensyon.

    Hindi man nakausap si "Deadpool" ni Jerome Ascano, ang photographer ng Spin.ph na siyang kumuha sa mga larawan, malamang daw ay nagtatrabaho ito sa Grab dahil may suot itong ID habang naglilibot. 

    Black Panther

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi ininda ni "Black Panther" ang init habang nakapila siya sa isang milk tea shop sa Maynila. May misyon kasi siya na dalhan ang kanyang customer ng order nitong inumin. Suot ang itim na costume ng superhero ng fictional place na Wakanda, nakuhanan ng litrato ang Grab biker na ito habang matiyagang naghihintay sa napakahabang pila. Napasigaw kaya siya ng "Wakanda Forever" sa tagal? 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles