;
embed embed2
  • Sabi Ni Danica Sotto, ‘Umpisa Pa Lang, Nagpaka-Totoo’ Na Si Marc Pingris Sa Kanya

    May appreciation post si Danica sa 40th birthday ni Marc.
    by Jocelyn Valle .
Sabi Ni Danica Sotto, ‘Umpisa Pa Lang, Nagpaka-Totoo’ Na Si Marc Pingris Sa Kanya
PHOTO BY Instagram/danicaspingris
  • Hindi napigilan ni Danica Sotto na idaan sa Instagram ang pagbati niya sa 40th birthday ng kanyang asawang si Marc Pingris nitong October 16, 2021. Kahit na, aniya, kontra ito sa madalas na sinasabi ni Marc na "di naman kailangan mag post pa ako dahil alam mo naman na."

    Depensa naman ni Danica, "Pero ganoon ako ka proud sa 'yo. So accept mo na yung appreciation post ko. OK?"
    Bago ang parteng iyan ng post ng TV host at cooking mama, nagbigay pugay muna siya sa asawa na dating manlalaro sa Philippine Basketball Association (PBA). Bungad niya, kalakip ang ilang litrato: "Happy Birthday to my love @jeanmarc15!"

    Nagkuwento pa si Danica tungkol kay Marc: "I can still remember the first time you called me. Nagulat ako ang at bilis mo mag salita ng Tagalog. When I asked you, sumagot ka agad ng 'Ha? Dito naman ako lumaki. Half-French but born and raised in Pangasinan.'

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Umpisa pa lang nag paka totoo ka na sa amin ng friends ko. Di pasikat but very genuine and humble. You never tried to pretend to be someone you’re not. Kahit pa sobra yung kaba mo whenever you’d have to talk to my relatives before, humarap ka pa din ng maayos at proud ka sa humble beginnings mo."

    Kabilang si Danica ng Sotto clan, na kilala sa showbiz at politics. Tatay niya si Vic Sotto sa unang asawa nitong si Dina Bonnevie, na isa ring tanyag at mahusay na artista. Kapatid niya sa ama si Pasig City mayor Vico Sotto.

    Bumati rin si Danica kay Marc sa kanyang Instagram Story. Dinaan nila sa pagsasayaw ng swing ang birthday celebration.
    PHOTO BY Instagram: danicaspingris

    Lahad pa ni Danica tungkol kay Marc: "Every time you achieve something, hindi mo nakakalimutan bumalik at magpasalamat sa lahat. Direcho kang kausap. Talagang what you see is what you get. You always try to give your best in everything you do."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dagdag niya, "Of course you’re not perfect and no one else is. Pero masaya ako sa 'yo and I’m so grateful to have you! Thank you for loving us so much! Today is a blessing because we get to celebrate God’s faithfulness in your life!!! Happy Birthday Bebe!!!"

    Tinapos ni Danica ang kanyang appreciation kay Marc gamit ang wikang Ilokano para sabihing mahal niya ang asawa: "Ay ayeten ka!"

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles