-
Dapat Na Nga Bang Magkaroon Ng Batas Para Sa Teenage Pregnancy?
Ito’y bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis.by Ana Gonzales . Published Oct 24, 2019
- Shares
- Comments
.jpg)
Ayon sa Commission on Population (PopCom), ang mga pamilyang may paulit-ulit na kaso ng teenage pregnancy ay mataas ang risk para makaranas ng tinatawag na “inter-generational poverty” o ‘yung walang katapusang henerasyon na nakakaranas ng kahirapan.
Bunsod nito’y inilunsad ang “No More Children Having Children” campaign na pinangunahan ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD). Ang kampanya’y naglalayong hikayatin ang mga mambabatas na bigyang pansin, palawakin at palalimin ang implementasyon ng Reproductive Health Law lalo na pagdating sa usapan ng mandatory comprehensive sexuality education.
Sa pagsasalita ng PopCom executive director na si Juan Antonio Perez III sa launch ng kampanya, sinabi niyang malaki ang posibilidad na mahirapan ang mga magkasintahan na pagandahin ang kanilang mga buhay kung maaga silang magiging magulang.
“For minors who start to have a family at a young age, it is most likely going to lead to a situation we call intergenerational poverty. This means the family will pass on poverty from generation to generation,” pagpapaliwanag ni Perez.
What other parents are reading
Sa campaign launch din nagkita-kita ang mga advocates mula sa gobyerno at civil society organizations na pare-parehong isinusulong ang urgency na bigyan ng pansin ng pamahalaan ang lumalaking bilang ng mga kabataang maagang nagiging magulang. Ayon sa report ng PopCom, mahigit isang milyong kabataan ang nagiging batang magulang kada taon. Humigit kumulang 30,000 sa mga batang inang ito ang nakakaranas ng paulit-ulit na pagbubuntis—isang bagay na ayon kay Perez ay maituturing na mas malaking emergency. “This issue affects the very essence of the country’s development, because the state of young people today will affect the state of our collective future,” sabi niya.
Bukod pa dito, lumalabas din sa mga datos ng PopCom na mahigit tatlong bilyong piso ang nawawala sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy. Sa 2017 National Demographic and Health Survey naman ay lumalabas na halos doble ang itinaas ng bilang ng teen pregnancy sa Mindanao. Inilahad ni Perez na isang malaking contributor dito ang pagkaantala ng social services dahil sa conflict at displacement na dulot ng Marawi siege.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIlang panukalang batas na ang inilathala para solusyunan ang teenage pregnancy sa bansa tulad ng kay senador Risa Hontiveros na House Bill No. 4742. Naglalayon itong magkaroon ng national policy upang maiwasan ang teenage pregnancies. Bukod pa dito, layon din ng bill na mabigyan ng proteksyon ang mga teen parents pati na rin ang mabigyan sila ng mga kaukulang funds para maayos na makapagsimula ng pamilya. Nakapasa sa 3rd reading ang bill ngunit ang counterpart nito sa House of Representatives ay hindi man lang nakarating sa House plenary for sponsorship.
Para naman kay Education Secretary Leonor Briones, magiging malaking tulong ang sex education sa mga kabataan para mabigyan sila ng sapat na kaalaman para makabuo ng mas informed na choices sa kanilang mga buhay.
Ilang mga pag-aaral na ang nagpatunay na ang maagang pagbubuntis ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit tumitigil ang kabataan sa kanilang pag-aaral. Ayon kay Perez, kung hindi nakapag-aral ang ating mga kabataan, mahihirapan silang maghanap ng maayos na trabaho na maaaring mag-ahon sa kanila sa kahirapan. Kung hindi masusugpo ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga batang magulang, paano na lang ang pag-asa ng bayan?
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading

- Shares
- Comments