-
Ibinalita Ni Dayanara Torres Kay Pops Fernandez Na Wala Na Siyang Skin Cancer
Nagkuwento din ang Miss Universe 1993 tungkol sa kanyang dalawang anak.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments
“Ako ay walang cancer.”
Ito ang magandang balita na ibinahagi ni Dayanara Torres, ang Miss Universe 1993 na tubong Puerto Rico, sa kanyang Instagram post nitong April 4, 2020. Kalakip ito sa Instagram Live session nila ng kaibigang singer-actress, si Pops Fernandez.
Nagkatrabaho sina Dayanara at Pops bilang hosts at performers nang magsimulang umere ang long-running ABS-CBN musical show na ASAP noong 1995. Pinasok kasi ni Dayanara ang showbiz pagkatapos ng Miss Universe 1994 pageant na ginanap sa Pilipinas, kung saan ipinasa niya ang korona kay Sushmita Sen ng India.
Napamahal si Dayanara sa mga Pilipino lalo na’t sinikap niyang magsalita ng Tagalog. Nagpamalas din siya ng galing sa pagsasayaw sa sarili niyang TV show na Easy Dancing (1996-1998) at nagbida sa mga pelikulang Basta’t Kasama Kita (1995), Hataw Na (1995), at Type Kita…Walang Kokontra (1999) bago siya bumalik sa sariling bansa. Nakabase na siya ngayon sa United States.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKaya naman umani ng happy reaction mula sa mga nakapanood ng Instagram Live session ni Pops at Dayanara, na huling bumisita sa Pilipinas bilang judge sa Miss Universe 2017 pageant. February 2019 naman nang inanunsiyo niya sa Instagram na meron siyang kanser sa balat na kung tawagin ay melanoma.
Lahad niya kay Pops, “For a year, I battled cancer. I had melanoma cancer. It was found out last year. I started treatment for a year, and I thank the Lord and those prayers — people from the Philippines, anywhere from the world. It’s amazing the amount of love, prayers, and support I received."
Nagpaabot siya ng pasasalamat dahil magaling na siya at wala ng kanser. Paliwanag ng cancer survivor, “Last week, on Monday, I had my last test, everything was negative. I’m done with treatment. It took me a year, and then, for the next two years, I’ll be doing tests every three months — just to be safe.”
CONTINUE READING BELOWwatch nowNagpahayag din si Dayanara ng pagnanais na bumisita muli sa Pilipinas. Matagal na daw niya itong balak gawin at naantala pa lalo dahil sa COVID-19 health crisis na pinagdadaanan ng halos buong mundo.
Aniya, “It’s one of those things that’s always at the back of my mind that I have to go back, and this crisis happens, and it makes me realize that if you want to do something, do it. As soon as this is over, I definitely need to go back. I miss everybody.”
Naniniwala si Dayanara na lilipas din ang krisis kaya hindi dapat matakot at huwag makakalimot magpasalamat. Isa na raw dito ang pagkakaroon ng komunikasyon sa pamamagitan ng internet, katulad ng ginawa nila ni Pops sa Instagram Live.
Hinikayat ni Dayanara ang mga manonood na kumonekta sa kanilang mga mahal sa buhay. Wala na raw siyang tatay, na pumanaw noong December 2017, at nami-miss niya ito. Ngunit nariyan pa ang kanyang nanay at kapatid. Tinatawagan daw niya ang mga ito araw-araw. Kapag nagluluto daw siya at may nakakalimutang sangkap ay agad siyang tumatawag sa kanila.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagkuwento din si Dayanara, 45, tungkol sa kanyang mga anak sa ex-husband na si Marc Anthony, isang American-born Puerto Rican singer-musician. Meron silang dalawang anak na lalaki, sina Cristian, 19, and Ryan, 16.
Aniya, “I wanted to just pay attention to my kids, give my life to them, my focus, then they started growing up.”
Nagdalawang-isip daw siya nang alukin maging judge sa Mira Quien Baila, ang Spanish-language reality-TV dance competition na napapanood sa U.S. Sinabihan daw kasi siya noon na tatakbo ang programa ng 10 to 11 weeks at kukunan sa Miami city sa Florida state, samantalang naninirahan naman sila sa Los Angeles city sa California.
Bago siya nagdesisyon ay kinausap muna niya ang dalawang anak at tinanong ang kanilang opinyon. Sinagot daw siya na tanggapin ang alok na trabaho nang may ningning sa kanilang mga mata. Kita at dama daw niya ang pagiging proud ng mga ito sa kanya hindi lamang sa pagganap niya bilang ina sa kanila.
What other parents are reading

- Shares
- Comments