-
DepEd: Online Application Ng Senior HS Voucher Program SY 2022-2023 Hanggang July 29, 2022
Pero ang paggawa ng account sa Online Voucher Application Portal (OVAP) ay hanggang July 22 na lang.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Nitong June 29, 2022, binuksan ng Department of Education (DepEd) ang online application para sa Senior High School Voucher Program (SHS VP) para sa parating na School Year (SY) 2022-2023.
Magtatapos ang application period sa July 29, 2022, pero hanggang July 22 ang paggawa ng account sa Online Voucher Application Portal (OVAP).
Ang SHS VP ay isang programa ng DepEd na nagbibigay ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng vouchers para sa mga kuwapikadong estudyante ng senior high school (SHS) mula sa mga kasaping eskwelahan sa private sector at non-DepEd public SHSs.
Nakipag-ugnayan ang DepEd sa Private Education Assistance Committee (PEAC) para pangasiwaan ang SHS VP. Ang PEAC ay trustee ng Fund for Assistance to Private Education (FAPE), ang permanenteng pondo na ginawa para matulungan ang pag-unlad ng pribadong edukasyon sa bansa.
Sino ang puwedeng mag-apply?
Kuwalipikado at hindi na kailangan ng application ang mga sumusunod na estudyante:
Category A—nakumpleto ang Grade 10 ng SY 2021-2022 sa public school
Category B—nakumpleto ang Grade 10 ng SY 2021-2022 sa private school pero kailangan may garantiya ng Educational Service Contracting (ESC), na programa ng DepEd at PEAC
Maaaring mag-apply sa voucher program ang mga sumusunod na estudyante:
Category C—nakumpleto ang Grade 10 ng SY 2021-2022 mula sa private school na walang garantiya ng ESC
Category D—nakumpleto ang Grade 10 bago ang SY 2021-2022 nang hindi lalampas ng 2016 at hindi pa nakapag-enroll sa Grade 11
Category E—nagtapos sa Alternative Learning System (ALS) at pumasa sa A&E Test para sa Junior High School level nang hindi mas maaga sa 2016 at hindi pa naka-enroll sa Grade 11, pati rin ang ALS completer na pasado sa Presentation Portfolio Assessment ng SY 2021-2022
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCategory F—nakapasa ng (Philippine Educational Placement Test (PEPT) para sa Grade 10 na hindi mas maaga sa 2016 at hindi pa nakapag-enroll para sa Grade 11 o kukuha ng PEPT sa SY 2022-2023.
Paano mag-apply sa voucher program?
Kailangang gabayan ng magulang ang anak na wala pang 18 years old sa paggawa at pagsumite ng application.
1. Bumisita sa website na ito: https://ovap.peac.org.ph.
2. I-click ang "Apply Now" button.
3. Basahin ang data privacy notice at, kung sumasang-ayon ka, i-check ang box bago i-submit.
4. Sagutan ang mga hinihinging impormasyon nang makagawa ng account. Tandaan na hanggang July 22 lamang ang deadline sa paggawa ng account kahit July 29 ang deadline ng application.
5. Siguraduhing tama ang ibinigay na email address at accessible ito sa aplikanteng anak at kanyang magulang.
6. Buksan ang email account pagkalipas ng ilang oras at tignan kung natanggap ang verification link. I-click ito para ma-verify ang email address at automatic na maka-log in sa website.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos7. Handa ka na ngayong simulan ang application. Mag-log in sa website, sagutan ang form, at sundin ang instructions.
8. Ibigay ang mga hinihinging requirements:
- Pirmado at may notaryo (kasama ang dry seal) na Annex 1: Affidavit of Family's Financial Income
- Pirma sa itaas ng printed name ang Annex 2: Parents/Guardian's Consent Form
Kung nakatanggap ang aplikante ng tulong pinasyal mula sa kanyang Junior High School, kailangan din ito:
- Pirma sa itaas ng printed name ang Annex 3: Certificate of Financial Assistance
Bisitahin ang website para malaman ang status ng aplikasyon. Ilalabas ang mga resulta sa August 22, 2022, at ang mga kwalipikadong voucher applicants ay maaari nang magsimula ng voucher redemption sa mismong araw na iyon.
Read also: School Holidays And Official Activities For SY 2022-2023
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments