embed embed2
  • Dianne Medina At Rodjun Cruz, Inuna Muna Ang Bagong Bahay Bago Magpakasal

    Inabot ng isa't kalahating taon ang pagpapagawa ng kanilang bahay
    by Lei Dimarucut-Sison .
Dianne Medina At Rodjun Cruz, Inuna Muna Ang Bagong Bahay Bago Magpakasal
PHOTO BY @niceprintphoto/Instagram
  • Masasabing handang-handa na talaga ang showbiz couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz na harapin ang buhay mag-asawa base sa mga preparasyong ginawa nila bago pa man dumating ang araw ng kanilang kasal.

    Kahapon, Disyembre 21, ginanap ang kanilang pag-iisang-dibdib sa Manila Cathedral na sinaksihan ng kanilang mga pamilya at kaibigan sa loob at labas ng show business, pero bago pa man dumating ang itinakdang araw ay ipinasilip ni Dianne sa kanyang social media accounts ang isang malaking proyekto nila ni Rodjun para sa kanilang hinaharap: ang kanilang bagong bahay.

    Dalawang araw bago ang kanilang kasal, ibinahagi nina Dianne at Rodjun ang mga larawan at video na kuha sa blessing ng kanilang bagong bahay, na kanila na ngayong titirhan bilang mag-asawa.  

    “2 days before the wedding. Sharing our Dream House. Our first House and our first investment together. 2 months in search for the best contractor, 1 month of fixing permits, 1 year and 6 months of house construction from the ground- up and 2 months of furnishing the house. We both worked really really really HARRRRD for this (lahat na nang segue na pwede sa work) Thank you Lord for blessing us much more than we deserve. I can’t believe it! This is it! Mrs Ilustre in 2 days,” ang caption ni Dianne sa maikling video  ng labas ng kanilang bahay na kanyang ipinost sa Instagram.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ayon sa reports, sinimulang ipatayo ng magkasintahan ang kanilang bahay pagkatapos ng wedding proposal ni Rodjun kay Dianne noong October 2017.

    Base sa kanyang Facebook post, ang kanilang Quezon City home ay isang modern-style na bahay na may malawak na living room sa tabi ng winding staircase, dining area na may 10-seater dining table, at industrial-style kitchen.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ipinakita din sa mga larawan na mayroon silang sariling gym at mini theater sa kanilang bagong bahay, pool, at malaking walk-in closet para sa kanilang mga damit at personal na gamit. Tila nakapag-decorate na din sina Rodjun at Dianne ng kanilang bagong bahay dahil kapansin-pansin na mayroon nang nakasabit na mga larawan nila sa dingding at Christmas tree at iba pang holiday decor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Siguradong masaya ang Pasko ng bagong mag-asawang Rodjun Cruz (Rodjun Cruz-Ilustre sa tunay na buhay) at Dianne Medina sa kanilang pagsisimula bilang Mr. and Mrs. Ilustre. Congratulations!

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles