embed embed2
  • Napatunayan Sa DNA Test Maling Baby Ang Naibigay Sa Mag-Asawang Taga-Rizal

    May kapabayaan sa panig ng ospital, ayon sa abogadong kinonsulta ng mag-asawa.
    by Jocelyn Valle .
Napatunayan Sa DNA Test Maling Baby Ang Naibigay Sa Mag-Asawang Taga-Rizal
PHOTO BY Shutterstock
  • Hindi lang sa teleserye nangyayari ang tinatawag na baby switching.

    Ito ang napatunayan ng mag-asawang Aprhil at Marvin Sifiata nang maling baby ang ibinigay sa kanila ng ospital na pinanganakan ni Aphril sa kanilang panganay noong January 18, 2021 sa Rizal province.

    Negative kasi ang resulta ng DNA test na isinagawa kay Aphril at sa baby sa tulong ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

    Ibig sabihin, hindi nila anak ang hawak nilang baby. Napunta naman sa ibang magulang ang kanilang anak. Ineembestiga pa kung saan napunta ang kanilang anak at kanino naman ang nasa kanila nang isulat ito. 

    Ibinahagi nila Aphril at Marvin ang kanilang karanasan sa news and public affairs program ng veteran broadcast journalist na si Jessica Soho.

    Kuwento ng mag-asawa, nagsimula silang magduda nang dalhin sa kanilang hospital room ang baby.

    Una, wala raw silang naramdamang lukso ng dugo. Iba pati ang itsura ng baby na iniluwal ni April at una nilang nasilayan sa delivery room. Nagbigay pa sila ng ibang pruweba na nagpatibay ng kanilang hinala.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ni Jaime Lazatin, ang chief executive officer ng kumpanyang nagsagawa ng DNA test, “medyo madalas” mangyari ang palitan ng baby sa ospital.

    “May tatlo o apat” na kaso silang natulungan noong nakaraang taon na 2020. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nangyayari rin ang baby switching sa ibang bansa, at isa raw itong “underreported problem that needs to be recognized.”

    Isang nightmare ang scenario na ito. Ano ang puwedeng gawin ng isang manganganak?

    Mahalaga ang litrato ni baby sa delivery room

    Nakasanayan na ang pagkuha ng litrato ni baby sa kanyang kapanganakan. Hindi lang para ma-capture ang precious moment na iyon, pero lumalabas sa storya sa taas, ebidensya na rin pala kung ano ang itsura ng baby na iniluwal ni mommy.

    Ngayong naghihigpit ang mga ospital dahil sa pandemya, hindi na pinapayagan ang kasama ng manganganak sa delivery room. Pero maaari namang pakiusapan ang nurse na kunan ng litrato si baby. 

    Maging alerto sa ID tag ni baby

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mainam na suriin mabuti ang identification tag ni baby. Sa ganyang paraan napansin ng isang tita ni Aphril na ibang surname at birth date ang nakasulat sa suot na ID ng sanggol na ibinigay sa ospital.

    Namataan rin niya na nakalagay sa kaliwang paa ang ID tag, pero nakasuot sa kanang paa ng baby sa litrato sa delivery room.

    Sabihan agad ang hospital staff

    Huwag mag-atubili na kausapin ang pamunuan ng ospital kung may duda sa sanggol na naibigay, lalo na kung may matibay na pruweba.

    Sa pag-uusisa nila Aprhil at Marvin, nalaman nilang may nangyari diumanong insidente na natanggal ang ID tag ng isang baby. 

    Binigyan ng DNA test si Aprhil at ang baby na hawak nilang mag-asawa, pero hanggang lumabas sila sa TV ay hindi pa nila nakukuha ang resulta. Nauna pa iyong mula sa GMA-7 program. 

    Sa tulong ng hospital staff, natunton ang posibleng may hawak sa anak nila Aprhil at Marvin. Nakipag-ugnayan ang mag-asawa sa mga iyon at patuloy ang kanilang komunikasyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa abogadong nakausap ng mag-asawa, si Atty. Christian Sia, may legal procedure para ma-recover nila ang custody sa kanilang anak. Una dito ang pagfa-file ng petition sa Regional Trial Court, kung hindi makikipagtulungan ang kabilang panig. 

    Dagdag pa ni Atty. Sia, maaaring maharap sa kasong civil at administrative ang ospital dahil “obviously, there’s negligence because this thing shouldn’t happen.”

    Pero kailangang magsampa ang mag-asawa ng reklamo sa Department of Health kung nais nilang panagutin ang ospital sa posibleng kaso ng baby switching.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles