embed embed2
  • Excited Si Polo Ravales Maging Daddy: 'Thank You Lord For This Miracle And Blessing'

    Ibinahagi ng aktor ang magandang balita sa social media.
    by Jocelyn Valle .
  • Magiging daddy na si Polo Ravales sa panganay nila ng kanyang girlfriend na si Pau Quiza. Ibinahagi ng aktor ang magandang balita sa Instagram nitong Monday, April 5, 2021. 

    Makikita sa post ni Polo ang ultrasound image ng baby nila ni Pau. Aniya sa caption, "Thank you Lord for this Miracle and Blessing. We are excited to meet you Baby P."

     

    Bumuhos ang pagbati mula sa Instagram followers ni Polo, kabilang ang kapwa artista niyang si Jeric Gonzales. Nagkatrabaho sila sa katatapos lang na teledrama sa GMA-7 na Magkaagaw.

    Base sa iba pang mga litrato ni Polo sa photo-sharing app, nagkakasundo sila ng girlfriend sa fitness at healthy living.

    Si Pau ay isang personal online trainer at functional training specialist. Makikita sa kanyang sariling Instagram account ang mga natulungan niya sa weight loss, tulad ng ilang mommies.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles