embed embed2
  • Wow! Fraternal Twins sa U.S. Ipinanganak Sa Magkaibang Taon

    Napaaga ang panganganak ni mommy na ang due date ay sa February 2020 pa.
    by Jocelyn Valle .
Wow! Fraternal Twins sa U.S. Ipinanganak Sa Magkaibang Taon
PHOTO BY iStock
  • Sa isang pambihirang pagkakataon ay nagsilang ang isang American mom ng fraternal twins sa magkaibang araw, taon, at dekada.

    Ayon sa ulat ng People.com, gamit ang ilang sources, iniluwal ni Dawn Gilliam, residente ng Indiana state, ang baby girl na si Joslyn ng December 31, 2019 at sinundan ito ng baby boy na si Jaxon ng January 1, 2020.

    Ang kuwento ng sources na WSAV at WBNS — pawang local TV network sa U.S. states na Georgia at West Virginia — na hango sa press conference, naalarma si Dawn sa kawalan ng fetal movement sa kanyang sinapupunan. Kaya isinugod siya ng kanyang mister na si Jason Tello sa ospital kahit February 19 pa ang kanyang due date.

    What other parents are reading

    Sa Ascencion St. Vincent Carmel Hospital isinilang si Baby Joslyn ng 11:37 p.m., New Year’s Eve, na may timbang na 4 pounds, 11 ounces. Siya ang huling sanggol na ipinanganak sa ospital na iyon ng nagtatapos na taong 2019. 

    Lahad ni Mommy Dawn, “We’ve known for a while that she’s going to be born first. She’s been in position for most of the pregnancy. Of course, he was breech. So, it took a while for him to come.”

    Kaya natagalan si Baby Jaxon dahil breech ito (o suhi at ibig sabihin lalabas si baby una paa). Sumunod siya sa kanyang ate pagkaraan ng 30 minutes, bandang 12:07 a.m. New Year’s Day, at may timbang siyang 4 pounds, 5 ounces. Siya naman ang unang sanggol na isinilang sa ospital na iyon ng nagsisimula na taong 2020.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Saad ni Daddy Jason, “Still kind of overwhelmed. Earlier, we talked about it would be great to have them born on different dates. But here we are with this surprise — different dates, different years. That was definitely interesting for us for sure. We’re still kind of speechless.”

    What other parents are reading

    Dagdag ni Mommy Dawn na “very shocked” siya sa nangyari at napapa-wow na lamang kapag naiisip na nagluwal siya ng dalawang sanggol sa magkaibang dekada.

    Ang kambal ay nanatili sa ospital na may feeding tubes, ngunit healthy at doing well naman. Sa dagdag na ulat ng Today.com ay sinabi ng mag-asawa, na may two older sons, na ngayon pa lang ay nakikita na nila ang pagkakaiba sa personalidad ng kambal. 

    Kung si Joslyn daw ay daddy’s girl ay mama’s boy naman si Jaxon. Pansin ni Mommy Dawn na hindi humahawak sa kanyang kamay si Baby Joslyn, ngunit mahigpit naman ang hawak sa ama nito.

    Noong isang araw nga raw ay tangan niya ang natutulog na baby girl nang biglang nagising ito, nanliit ang mga mata na parang nangingilala, at biglang pumikit ulit. Sumaya lang daw ito nang ibigay niya kay Daddy Jason. Kabaligtaran naman ang nangyayari sa panig ni Baby Jaxon.

    Want try for twins even when your family history does not have any? Read this dad's story.

    What other parents are reading

     

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close