embed embed2
  • Halos P5M Ang Nagastos Ng Isang Bata Sa Pagbili Ng 'Gifts' Para Sa Live-Streaming Stars

    Hindi lang ito ang isolated case ng mga batang 'di sinasadyang gumastos online.
    by Ana Gonzales .
Halos P5M Ang Nagastos Ng Isang Bata Sa Pagbili Ng 'Gifts' Para Sa Live-Streaming Stars
PHOTO BY Unsplash
  • Ilang beses nang nangyari sa iyo na pinakialaman ng anak mo ang cellphone mo? Madalas itong ikwento sa amin ng mga magulang sa aming online community.

    Ayon sa kanila, madalas ay nagdedecline ng call ang mga bata, ngunit minsan ay kung anu-ano ang inoorder nila online.

    MORE KIDDIE BLOOPERS HERE:

    Naalala niyo ba ang batang nag-trending sa social media dahil aksidente itong nakaorder ng pagkaraming pagkain online?

    'Yan din ang siyang naranasan ng isang tatay mula sa South Korea. Ikinagulat ng 48-year-old na tatay ang laki ng halagang nagastos ng anak niya dahil sa pagbibigay ng mga 'gifts' sa mga live streamers.

    Ayon sa ulat, humigit kumulang 130 million won o mahigit limang milyong piso ang nagastos ng 11-year-old nilang anak.

    Di umano ay ginamit ito ng anak nila sa live streaming app na Hakuna Live. Sa pamamagitan ng app na ito, makakapagbigay ka ng mga 'gifts' o 'diamonds' sa mga streamers.

    Mahigit 30 streamers ang binigyan ng bata ng 'diamonds' mula August 3 hanggang August 12 gamit ang mobile payment.

    "My wife always leaves her phone unlocked since she is visually impaired and suffers from brain damage," paliwanag ng tatay.

    Lumapit si daddy sa mga streamers para humingi ng refund. Marami namang sa kanila ang sumang-ayon na ibalik ang pera habang 46 million won o mahigit isang milyong piso ang hindi na niya mababawi pa.

    Iniipon sana nina mommy at daddy ang pera na iyon para maipambili nila ng bagong bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isang parehong pangyayari rin ang naranasan ng isang tatay sa Boryeong, South Chungcheong province. Nagpadala namang ng mahigit 17 million won o Php700,000 ang isang bata sa isang online streamer gamit ang credit card ng tatay niya.

    Lumalabas sa datos na dalawa lang ang kasong ito sa daan-daang reports ng mga magulang na nakaranas ng unauthorized payments gawa ng kanilang mga anak.

    Ayon pa sa mga ulat, nagiging mahirap para sa mga magulang na mag-request ng refund, dahil hindi lahat ng mga online streamers ay pumapayag na ibalik ang natanggap nila.

    MORE KIDDIE BLOOPERS HERE:

    Sabi ni Hwang Yong-suk, isang propesor ng media communications sa Konkuk University, walang direktang liability ang mga platform operators, pero hindi rin maiwasang masisi sila dahil kulang ang age limit na ipinapatupad nila pagdating sa paggamit ng kanilang mga serbisyo.

    May mga live streaming apps kasi na hindi sapat ang security features para hindi magamit ng mga bata.

    Naranasan mo na ba ito? Magkano ang nagastos online ng anak mo para sa kanyang unauthorized payments? Ano ang binili niya? I-share mo na iyan sa comments section.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles