embed embed2
  • Happy Si Lolo! Alyanna Martinez At Ang Pamilya Umuwi Ng Pilipinas

    Tatlo na ang apo ni Albert Martinez, na magsi-60 years old sa darating na April.
    by Jocelyn Valle .
  • Sinusulit ni Albert Martinez ang bonding time nila ng first apo na si Adalynn Riley Macam. Ang 3-year-old girl ay anak ni Alyanna Martinez, na siya namang panganay ni Albert at kanyang late wife na si Liezl Martinez.

    “Daily morning shenanigans with Lolo,” sabi ni Alyanna sa Instagram post nitong January 7, 2021. Kalakip dito ang ilang litrato na nagpapakitang karga ni Albert sa kanyang mga balikat si Adalynn.

    Kasalukuyang nagbabakasyon sa Pilipinas ang mag-ina at kanilang padre de pamilya na si Roy Macam. Nakabase sila sa U.S. state na California, kung saan ikinasal sina Alyanna at Roy noong September 2016. December 2019 naman ang huling bisita ni Albert doon.

    Naipasyal na ng veteran actor ang mga balikbayan niyang kaanak sa kanyang property sa Treasure Mountain educational campsite, na matatagpuan sa bayan ng Tanay sa Rizal. 

    Makikita sa short video na kanyang ibinahagi sa social media ang lubusang pananabik at kasiyahan sa muli nilang pagkikita ng apo. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Masayang pahayag ni Albert patungkol sa kanyang pamilya sa caption, “Greatest love of all.”

    Bukod kay Alyanna at Roy, naka-tag sa post ang dalawa pa niyang anak na sina Alfonso at Alissa, fiancé ni Alfonso na si Miki Hahn, at ang mister ni Alissa na si Paulus Reyes

    Sinalubong ni Albert ang Bagong Taon kapiling ang kanyang pamilya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May tatlong apo si Albert, na 60 years old sa darating na April 2021. Bukod kay Adalynn, nariyan ang kanyang mga pinsan na sina Arturo Hahn Martinez at Amati Martinez Reyes. Ipinanganak ang baby boys nitong December 2020. 

    Tila nasabik din si Albert na maka-bonding ang kanyang daughters, na hindi makakailang namana ang kagandahan ng kanilang ina. Pumanaw si Liezl noong March 2015 sa sakit na cancer.

    Nag-artista si Liezl nang kanyang kabataan. Kabilang siya sa Muhlach showbiz clan, na pinamunuan ng kanyang mommy na si Amalia Fuentes (yumao noong October 2019) at ipinagpatuloy ng kanyang mga pinsang Nino Muhlach at Aga Muhlach

    Si Albert naman ay matinee idol noong 1980s, tulad ng kanyang kapatid na si William Martinez. Napangasawa ni William ang Bagets leading lady niyang si Yayo Aguilar, na award-winning actress na ngayon. 

    Sumali si Albert sa litrato nina Alyanna at Alissa habang nagpapadede sa kani-kanilang mga supling. Si Alyanna ang nag-post ng litrato. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Aniya sa caption, “Welcome to the milk bar open 24/7! A New Year well spent reunited with loved ones. Here is to a happier & healthier 2021 for everyone everywhere.” 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles