school,fraternity violence Philippines,hazing,adamson university,Adamson Student Confirmed Dead Is A Hazing Victim,Sensitive Subjects,Violence & Abuse,Jobs & Education,Education,Colleges & Universities,News,Local News,philippine national police (pnp),philippine national police-highway patrol group (pnp-hpg),philippine government,philippine army,A student from Adamson University who was found dead is a hazing victim
LifeNews

24 Year Old University Student Found Dead In Cavite, Victim Of Fraternity Hazing

Adamson University issued a statement, promising that it will conduct its own investigation.
PHOTO BYCANVA AND FACEBOOK /JOHN MATTHEW SALILIG

[Trigger warning: murder, violence]

Puno ng pasa sa katawan at wala nang buhay nang matagpuan ang bangkay ng isang college student na mahigit isang linggo nang nawawala.

Kinilala ang biktima na si John Matthew Salilig, 24, third year chemical engineering student ng Adamson University.

Ayon sa mga awtoridad, si John Matthew ay biktima umano ng hazing. Nitong Martes, February 28, 2023, natagpuan ang naaagnas nang bangkay ni John Matthew sa isang masukal na lote sa Imus, Cavite.

Ayon sa report ng TV Patrol, February 20 nang dumulog sa Manila Police District ang nakatatandang kapatid ng biktima na si John Michael Salilig. Dalawang araw na raw kasing hindi umuuwi at hindi makontak ang kanyang kapatid kung kaya’t nagdesisyon na ang pamilya niyang i-report ito sa pulis.

Kuwento ni John Michael, noong February 17, huli niyang nakausap si John Matthew nang magpaalam ito sa kanyang a-attend sa welcoming rites activity ng Tau Gamma Phi fraternity sa Biñan, Laguna.

Ngunit dalawang araw na raw ang nakararaan ay hindi pa rin nagti-text si John Matthew sa kanya, dahilan para siya’y kabahan at mag-alala.

Ayon pa sa isang kapatid ni John Matthew na si John Martin, noong February 19, ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa hindi kilalang account tungkol sa malagim na sinapit ng kapatid sa fraternity welcoming rites.

Sa salaysay ni John Martin, nakasaad sa chat na kasama ang kanyang kapatid sa isinagawang initiation ng fraternity group. Nahirapan daw itong huminga matapos ang kanilang welcoming rites.

Biñan Police Investigation

Kinumpirma ng Biñan City Police Station na sa isang bahay sa Biñan nagdaos ng welcoming rites ang Tau Gamma Phi fraternity kung saan kasama si John Matthew.

Ayon sa nakausap nilang witness, hapon pa lang ng February 18 ay sumuka na si John Matthew. Ngunit nang kamustahin nila ito, sinabi raw ng biktima na okay lamang siya.

watch now

Kinagabihan, habang pauwi pa-Maynila, biglang nawalan ng malay si John Matthew sa loob ng sinasakyan nilang SUV.

Imbes na dalhin sa ospital, tila natakot daw ang mga kasamahan ng biktima kung kaya’t inilibing nila ang katawan nito sa isang bakanteng lote sa Cavite nang makumpirma nilang hindi na ito humihinga.

Sa ngayon ay natukoy na ng awtoridad ang labing walong (18) suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law matapos ikanta ng anim sa mga ito ang nangyari kay John Matthew.

Sasailalim din sa autopsy ang bangkay ni John Matthew bago iuwi sa Zamboanga ng kanyang pamilya.

Adamson University Statement

Samantala, sa isang pahayag na inilabas ng Adamson University, sinabi nilang magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon patungkol sa insidente.

Nangako rin sila sa awtoridad na makikipagtulungan sila para panagutin ang mga nasa likod ng krimen.

Hinimok din ng unibersidad ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga “unverified information” tungkol sa insidente.

 

This story originally appears on Pep.ph.

Smartparenting.com.ph editors have made minor edits.

 

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close