embed embed2
  • Mahal Na Araw 2020: Paano Ang Paggunita Ng Semana Santa Sa Gitna Ng COVID-19?

    Ang mga ito ay batay sa gabay na nanggaling sa Vatican
    by Lei Dimarucut-Sison .
Mahal Na Araw 2020: Paano Ang Paggunita Ng Semana Santa Sa Gitna Ng COVID-19?
PHOTO BY @sidneydealmeida/iStock
  • Sa Linggo, April 5, ang simula ng Mahal na Araw para sa mga Kristiyano sa buong mundo. Sa araw na ito, gugunitain ang pagdating ni Kristo sa Jerusalem, o mas kilala sa tawag na "Domingo de Ramos" o Linggo ng Palaspas." Pero gaya ng inaasahan, ibang-iba ang magiging pagdiriwang ng Semana Santa ngayong 2020 kaysa sa nakaugalian dahil sa krisis na kinakaharap ng buong mundo.  

    Dahil sa banta ng sakit na COVID-19, nagpaalala ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) na dapat iwasan ang mga selebrasyon ngayon Semana Santa na maaring maging sanhi ng pagtitipon ng mga tao. 

    "Our celebrations must also show our sincere efforts at avoiding the gathering of people," sabi ni Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng CBCP, ayon sa report ng Manila Bulletin. Ito ay alinsunod sa mga guidelines na inilabas ng Vatican.

    What other parents are reading

    Bilang pagsunod sa social distancing, maraming mga simbahang Katoliko ang pansamantalang itinigil muna ang pagdiriwang ng Banal na Misa ilang linggo na ang nakakaraan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa halip ay ginagawa na lamang ito online, at nakakasabay ang mga nagsisimba sa pamamagitan ng live video streaming. Ang pag-iwas sa pakikisalamuha sa mga tao ang isa sa mga epektibong paraan para hindi mahawa ng COVID-19.

    Dahil dito, nagbigay ng patnubay ang CBCP kung paano ipagdiriwang ang Mahal na Araw nang naaayon sa kasalukuyang sitwasyon.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Palm Sunday 

    Ang pagbabasbas ng mga palaspas ay gagawin lamang sa TV o online. Gamit ang kahit na anong tangkay ng dahon (kung walang palaspas), itataas ito sa hudyat ng pari para basbasan ito. Hindi na rin daw kailangan ang holy water para basbasan ito.

    May mungkahi din na mag-ikot ang pari sa mga kalsada para magbasbas ng palaspas, pero sinabi ng CBCP na dapat itong pag-aralan nang mabuti dahil maaring magtipon pa din ang mga tao kapag ito ay isinagawa.

    What other parents are reading

    Maundy Thursday

    Ang Misa ng Krisma, o Chrism Mass, ay ipagpapatuloy na idaraos sa mga Simbahan, pero hindi papayagan na mayroong dumalo dito. Mapapanood lamang ito sa telebisyon o online.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Only the clergy will be allowed to be inside the Cathedral/church, observing social distance, hygiene, and sanitation of the space for the liturgical celebration," sabi ni Valles.  

    Ang tradisyunal na "Washing of the Feet" sa panggabing Misa ay maaring hindi muna gawin.

    “There is an option that after the Mass of the Lord’s Supper, without the faithful, the priest, with only two or three ministers, will carry the Blessed Sacrament in a ciborium with humeral veil, rides on a pick-up vehicle and goes to all the streets within the parish,” sabi ng CBCP.

    Ito na daw ang katumbas ng Visita Iglesia kung saan mag-aabang ang mga tao sa labas ng kanilang bahay habang binabasa ang ebanghelyo sa prusisyon. (Maari ding gawin ang online Visita Iglesia.)

    Good Friday

    Gamit ang TV o online, maaring magpaabot ng mga pagninilay ang simbahan. 

    Maari ding manood ng Siete Palabras o Seven Last Words sa telebisyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon kay Valles, ibinilin ng Vatican na lahat ng pagdiriwang ng Paschal Triduum (mula Maundy Thursday hanggang matapos ang Easter Vigil) ay maaring subaybayan ng mga nananalig sa telebisyon o online. 

    Noong February 26, 2020, nagsimula ang pag-obserba ng mga Katoliko sa panahon ng Kuwaresma sa pamamagitan ng Ash Wednesday.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles