embed embed2
  • Experts Say Ito Ang Pinakamabisang Paraan Para Hindi Mabiktima Ng Pekeng Coronavirus News

    Hindi lahat ng nakikita natin online ay totoo.
    by Ana Gonzales .
Experts Say Ito Ang Pinakamabisang Paraan Para Hindi Mabiktima Ng Pekeng Coronavirus News
PHOTO BY Pixabay
  • Hindi lang ang pandemya ng COVID-19 ang kalaban natin ngayon—nariyan rin ang tinatawag ng World Health Organization (WHO) na 'infodemic'.

    Ito ang 'over-abundance of information' o ang labis na pagdami ng kumakalat na impormasyon, tama man o mali. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nahihirapan tayo na malaman kung alin nga ba ang tama, beripekado, at maaasahang impormasyon na pwede nating gamiting gabay.

    What other parents are reading

    Bilang mga ina, kailangan nating i-educate ang ating mga sarili tungkol dito para hindi natin mailagay sa kapahamakan ang ating pamilya. Kung mabilis kang magpaniwala sa mga nababasa mo online, delikado ito para sa kaligtasan ng iyong mga anak. 

    Bukod pa riyan, maaari kang mag-panic at makaramdam ng anxiety tungkol sa isang bagay na hindi naman pala beripikado at wala naman palang basis.

    What other parents are reading

    Ayon sa situation report na inilabas ng WHO noong isang buwan, mas pinaigting na ng kanilang technical risk communication at social media teams ang kampanya laban sa mga kumakalat na fake news tungkol sa coronavirus. Hinahanap at sinasagot nila ang mga myths at sabi-sabi na kumakalat online para i-debunk ito at bigyan ng tama at accurate na paliwanag.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Delikado ang pagkalat ng mga maling impormasyon

    Sikat online ang #SharingIsCaring, lalong-lalo na sa mga Facebook groups. Pero 'caring' nga ba kung hindi naman beripekado at tama ang impormasyond ikinakalat mo?

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Karaniwang mas mabilis kumalat ang fake news dahil 'eye-catching' at talaga namang nakakaalarma ang mga headlines o pamagat nito. Kapag mas marami rin ang nag-shashare, mas marami ang nag-aakalang lehitimo ang balita.

    Paano mo nga ba malalamin kung alin ang pekeng balita at alin ang totoo? Narito ang ilang tanong na dapat mong sagutin bago mo pindutin ang SHARE button:

    Saan nanggaling ang balita?

    Ugali mo bang mag-share ng nababasa mo online nang hindi binabasa kung saan ito nanggaling? Sinisiguro mo bang galing ang mga balitang ibinabahagi mo sa mga lehitimo at malalaking news at media companies?

    Bago mo pindutin ang SHARE, basahin mo muna kung saan galing ang balita. Kung kinopya lang ito at ibinahagi ng mga kaibigan mo, HUWAG mo na itong ibahagi sa iba, lalo na kung wala kang ginawa para iberipika ang mga nabasa mong impormasyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maraming halimbawa riyan ang Department of Health (DOH). May mga gumagamit kasi ng logo nila para magpakalat ng balita.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para maiwasang maging biktima, tignang muna ang pinakaunang pinanggalingan ng balita. Kung galing ito sa verified social media accounts ng DOH at iba pang ahensya ng gobyerno, makakasiguro kang lehitimo ito.

    What other parents are reading

    Maayos ba ang pagkakasulat?

    Ang mga lehitimo at credible na websites, media pages, at government social media accounts ay maninigurong walang mali sa grammar at spelling ng mga balitang inilalabas nila. Kung paulit-ulit kang nakakakita ng mga mali sa pagkakasulat, dapat magduda ka na na baka peke ang balitang binabasa mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Eksaherado ba ang headline?

    Dahil virus ang kalaban natin, lubhang scientific at hindi pamilyar sa mga nakararami ang nangyayari. Kaya naman dapat ay mas paigtingin mo pa ang pagsuri sa mga nababasa mo online bago mo ito ibahagi.

    Ayon sa The Conversation, isa sa mga pinakasimpleng maaari mong gawin ay maging mapanuri sa headline.

    Halimbawa, kung mabasa mo ito, "May Gamot Na Sa COVID-19, Ayon Sa DOH", kailangang basahin mo muna ang laman ng article bago mo ito i-share. Tignan mo kung saan ito nanggaling at kung lehitimo ba ang website o social media account na ito.

    Ang mga balita na ganito kalaki ay siguradong puputok sa buong mundo. Kung hindi ito ibinalita ng CNN Philippines, GMA News, at iba pang malalaking media agencies, hindi ka ba magtataka?

    What other parents are reading

    Ang kalimitan kasing ginagawa natin, kapag nabasa na nating ang headline, share, comment, at react na tayo agad. Hindi na natin binabasa pa ang article. Importanteng buksan ito, basahin, at suriin bago i-share.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pinakasimpleng pwede mong gawin ay hanapin ang orihinal na source. Sino ba ang naunang sumulat ng balitang binabasa mo? Saan ito nanggaling? Sino ang gumawa? Sa ganitong paraan, makakasiguro ka na hindi peke ang binabasa at ipinapakalat mo.

    Pwede ka ring kumonsulta sa mga tinatawag na fact-checking websites. Ito ang mga sites na pwede mong puntahan para makita kung peke ba ang balitang nabasa mo. Trabaho kasi nilang iberipika ang mga balita at impormasyon na umiikot online. Narito ang ilan:

    • https://www.snopes.com/
    • https://www.factcheck.org/
    • https://apnews.com/APFactCheck
    • https://fullfact.org/

    May salawikain tayo na ganito: "May tainga ang lupa, may pakpak ang balita." Ibig sabihin, mabilis kumalat ang balita, tama man ito o mali.

    Hanggat may mga taong hindi marunong sumuri ng balita, patuloy na kakalat ang fake news. Ikaw? Fake news ba ang ipinapakalat mo o totoo?

    Para sa iba pang mga totoong balita tungkol sa COVID-19, pumunta lamang sa website na ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles