Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Isabelle Daza: Oversharing, Nakakasama sa Self-Esteem ng mga Bata

    Kumonsulta ang aktres sa isang psychologist at dito siya naliwanagan ukol sa epekto ng social media sa mga bata
    by Lei Dimarucut-Sison .
Isabelle Daza: Oversharing, Nakakasama sa Self-Esteem ng mga Bata
PHOTO BY @isabelledaza/Instagram
  • Nagbigay ng babala ang celebrity mom na si Isabelle Daza tungkol sa panganib na dala ng “oversharing,” o ang labis na pagbabahagi ng pribadong buhay sa social media, na kadalasa’y hindi namamalayan ng mga magulang na ginagawa nila. Ito ay maaring magdulot ng problema sa self-esteem ng mga bata sa kanilang paglaki. 

    Sabi ni Isabelle sa Pep.ph, “I talked to a psychologist about this, and I asked him, ‘How much is oversharing?’ What are the dangers of social media exposing your child too much to social media? How does it happen ba?” (Kumausap ako ng psychologist at tinanong ko siya, Ano ba ang maituturing na oversharing? Ano ang mga panganib na dulot ng pag-expose nang labis sa ating anak sa social media? Paano ito nangyayari?)

    Sa madaling salita, lumalabas na maaring mawalan ng sense of identity ang isang bata dahil mistulang nakasalalay ang pagpapahalaga niya sa kanyang sarili sa mga nakikita sa social media. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ginamit ni Isabelle bilang halimbawa ang kanyang isang-taong gulang na anak na si Baltie. “He hits somebody, and I post that video of him. (Kung may sinaktan siya, tapos ay ipinost ko sa social media ang videong iyon.)

    “And then his classmates see him and says, ‘Hey, look, you’re so naughty. You hit someone. I saw your photo.’ (Tapos sasabihan siya ng kaklase niya na, ‘Malikot ka. Nanakit ka ng kapwa. Nakita ko yung photo mo.’)

    “The psychologist explained that the child, he loses his own self-identity, so he starts to have self-doubt. (Ang sabi ng psychologist, nawawalan ng self-identity ang bata, at nagsisimula syang magkaroon ng self-doubt.)

    “And from that classmate, from that interaction, he says, ‘Is that who I am?’ (At mula doon sa pag-uusap nilang iyon ng kanyang kaklase, iisipin niya, ‘Iyon ba ang pagkatao ko?’)

    “And that defines him, what other people think of him, and what other people see of him.” (At iyon na ang magiging palagay niya sa kanyang sarili — kung ano ang iniisip at nakikita ng mga tao sa kanya.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ito ang dahilan kung bakit bihira nang mag-post si Isabelle tungkol sa kanyang anak na si Baltie. 

    “The psychologist was saying that when mothers overshare what their children are doing, they don’t realize the effects now. (Sabi ng psychologist, kapag nag-overshare ang mga nanay tungkol sa kanilang anak, hindi nila naiisip ang mga epekto nito sa ngayon.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “But later on, it will happen and that, for me, was an enlightening moment.” (Pero pagdating ng araw, makikita nila ang dulot nito, at doon ako naliwanagan.)

    More from Smart Parenting

    Noong Marso, madami sa mga followers ni Isabelle ang napaisip tungkol sa kanilang phone habits dahil sa kanyang post. Sabi ng aktres, hindi raw niya namamalayan na palagi niyang gamit ang kanyang telepono.

    “When I checked my screen time, I said, ‘My gosh. Six hours and 57 minutes.’ Basically buong araw.” (Noong chineck ko ang screen time ko, nagulat ako. Anim na oras at 57 minuto. Halos buong araw.)

    Ang caption niya sa videong ginawa niya: “Created this video as a reminder to myself to be present and that not everything has to be recorded. I realized that there are times I chose to be on my phone rather than spend quality time with my son; I underestimate the amount of times he sees my phone and not my actual face. Trying to be better and lessen my average phone usage.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    (Ginawa ko ang video para paalalahanan ang sarili ko na mabuhay sa kasalukuyan, na hindi lahat ay dapat naka-record. Naisip ko na may mga panahon na mas pinipili kong gumamit ng telepono kaysa makipaglaro sa aking anak. Nakakalimutan kong hindi dapat ang telepono ko kundi ang aking mukha ang mas dapat niyang nakikita. Sinusubukan kong magbago at bawasan ang paggamit sa telepono ko.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nag-viral agad ang post niyang iyon.

    “I was very shocked na ang daming tumanggap nun in a positive way,” (Na-shock ako na ang daming tumanggap nun nang positibo) sabi ng social media influencer.

    “Wanting to constantly post your child, it happens, e. Siyempre you’re proud. (Yung kagustuhan mong i-post ang mga ginawa ng anak mo, nangyayari iyon. Siyempre proud ka.)

    “But that’s all your child sees. It’s constantly your phone. It really shapes who they become.” (Pero iyong telepono mo lang ang nakikita ng anak mo. Lumalaki sila na iyon ang pahahalagahan nila.)

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Isabelle Daza: Oversharing on Social Media May Affect Kids' Self-esteem

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles