Ibinahagi kamakailan ni Michael V ang karanasan niya at kanyang kasambahay sa online seller scam (basahin dito). Kaya ang payo niya: "Kung di n'yo in-order, just no."
Samantala, nagbigay din ng tips ang Office of Cybercrime (OOC), isang sangay ng Department of Justice (DOJ) na sumisiyasat sa mga krimeng naganap sa pamamagitan ng internet.
Ayon sa Facebook page ng ahensiya, nakakatanggap sila ng mga ulat tungkol sa kasalukuyang modus operandi ng mga pekeng courier o deliveryman. Nagpupunta raw ang mga ito sa bahay ng kanilang target dala ang item na ipipilit nilang binili sa online seller, at saka maniningil ng kabayaran.
Para makaiwas sa online seller/delivery scam, may mga suhestiyon ang DOJ-OOC bilang safety precautions.
I-check ang iyong account sa official online selling platform
Bago tanggapin ang item na pinipilit ng courier o deliveryman, i-check muna ang iyong account sa shopping site o iba pang platform. Kung walang transaction na naganap, mariing tanggihan ang delivery.
Magbilin sa kasambahay kung may inaasahan kang delivery
Kung aalis ka ng bahay, magbilin sa kasambahay o sino mang maiiwanan na meron kang inaasahan na delivery. Pero kung wala namang inaasahan na delivery, sabihan mo pa rin sila tungkol dito para hindi sila tatanggap ng anumang delivery.
Maging maingat sa pagbibigay ng impormasyon
Huwag basta-basta magbigay ng personal information, lalo na kung hindi naka-private ang setting ng online account mo. Maaari kang maging target ng mga scammer.
Ugaliin ang tamang disposal ng delivery pouches
Para mapangalagaan pa ang personal information mo, burahin ang mga ito sa mga natanggap mo nang delivery pouches o boxes. Mainam na gumamit ng black pentel pen o marker para hindi na mabasa ang personal details mo.
Isa pang paraan ang pagpupunit o paggamit ng shredder sa paraang crosscut, diamond-cut, o di kaya pang confetti bago itapon ang delivery pouches o boxes. Makakatulong ito para mapangalagaan ang personal information mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Babala pa ng DOJ-OOC na ang online seller/delivery scam ay paglabag sa Section 25 ng Section 25 of Republic Act No. 10173, o ang Data Privacy Act of 2012. Ito ay sa ilalim ng salang “Unauthorized Processing of Personal Information and Sensitive Personal Information.” Kaugnay din ito ng krimen na estafa sa ilalim ng Revised Penal Code.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.