embed embed2
  • Bilib Sina Juday at Ryan Sa Tatag Ni Lucho Sa Football

    Si Lucho ang second at only boy sa three kids ng celebrity couple.
    by Jocelyn Valle .
  • Bilib si Judy Ann Santos sa pagtanggap ng kanyang anak na si Lucho Agoncillo sa injury na di sinasadyang nakamit nito sa paglalaro ng football. Aniya sa litrato nilang mag-ina, “Football is tough. But this boy is tougher.”

    Anim na araw na nakakaaran nang i-post ni Judy Ann ito sa Instagram. Dagdag ng movie and TV star, na kilala rin sa tawag na Juday, ay sinabihan siya ng 10-year-old boy na “just a sprained hand” lamang ang injury at “this will only make me better and faster.” 

    Umani ng positibong reaksyon ang IG post na iyon mula sa followers ni Juday at nagbigay pa sila ng encouragement kay Lucho. Kabilang dito ang GMA-7 entertainment news presenter na si Iya Villania. Saad niya sa comments section, “Love that boy! Fast recovery, kuya looooch!!!!”

    Marahil Kuya Looch ang tawag ng mga anak ng “Chika Minute” segment anchor ng 24 Oras newscast na kapwa lalaki at mas bata kay Lucho kaya ito rin ang kanyang ginamit. Kilalang malapit ang kani-kanilang mga pamilya dahil magkasama sa motorcycle club ang mister ni Juday na si Ryan Agoncillo at mister ni Iya na si Drew Arellano.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Napapanood din sa GMA-7 sina Ryan (sa noontime show na Eat Bulaga!) at Drew (sa travel program na Biyahe ni Drew).

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May Instagram post din si Ryan para sa kanyang Mini-Me na si Lucho (pareho pa silang may long hair!), kung saan ipinaliwanag niya ang pinagmulan ng pangalan ng bata. Ayon sa online Spanish dictionary na gamit ng TV host, ang ibig sabihin ng Lucho sa wikang Espanyol ay “I fight” (Ako ay lumalaban).   

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Dugtong pa ni Ryan na ang salitang “lucho” ang present form ng luchar (loo-chahr) na ang kahulugan ay “to fight, to struggle, to wrestle.” Kaya naman angkop ang mga litratrong ibinahagi niya na kuha habang naglalaro si Lucho laban sa kapwa niya mga batang manlalaro na kadalasan ay mas malalaki.

    Base sa hashtags na ginamit ni Ryan, manlalaro si Lucho ng Bohemian Sporting Club at kaugnay ang football game sa 7’s Football League. 

    Sa comments section, nagpahayag ng pagkabahala ang isa pang GMA-7 TV host na si Lyn Ching. Tanong niya kung ang mas matangkad na bata ay nakahawak sa shirt ni Lucho. Sumagot si Ryan ng oo, sabay komento na “kanya-kanyang gulangan” kalakip ang toothy grin emoticon. Sumagot din si Juday na halatang may pagtatanggol sa kanilang unico hijo. Sabi niya na may kasamang tatlong puso, “It’s not about the size. It’s the heart and soul, my love.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagpaabot naman ng paghanga ang Eat Bulaga! cohost ni Ryan na si Pia Guanio. Inilarawan niya si Lucho bilang “feisty.” Sumang-ayon si Isabelle Daza, na dating bahagi ng noontime show, sa pagsasabing “Yess, Lucho!!!”

    Si Lucho ang ikalawang anak nila Judy Ann at Ryan. Nauna sa kanya si Yohan, 15, at sinundan naman siya ni Luna, 4. Kung si Lucho ay nahihilig sa football, sa swimming naman nalilinya si Yohan. Ang bunsong si Luna ang tila nawiwili sa pagluluto at hilig nito na sumama sa kanyang mommy chef sa kusina. Ang celebrity couple ang may-ari at nagpapatakbo ng Angrydobo restaurant.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang isa sa ilang video posts ni Ryan ng paglalaro ng football ni Lucho:

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles