Hindi pinalampas ni KC Concepcion, 37, ang pagkakataong makadalo sa kasal ng nakababatang kapatid na si Cloie Syquia Skarne, 27.
Lumipad si KC sa Sweden para dumalo sa kasal ni Cloie at long-time boyfriend nitong si Fedrik Hill, isang Swedish, noong July 9, 2022.
Sina KC at Cloie ay magkapatid sa amang si Gabby Concepcion.
Si KC ay anak ni Gabby sa ex-wife nitong si Sharon Cuneta, samantalang si Cloie ay anak ng dating matinee idol sa dati ring asawa nitong si Jenny Syquia.
Pagbati ni KC kay Cloie sa IG post: "In Sweden for my sister’s wedding GRATTIS @cloiesyquia & @hillfredrik from my family to yours."
Ang "grattis" ay Swedish word for "congratulations."
Lubos ding na-touch si KC sa mainit na pagtanggap sa kanya ni Jenny at ng pamilya nito sa Sweden.
Pakiramdam daw ni KC ay talagang bahagi siya ng kanilang pamilya.
Mensahe ni KC: “Thank you tita @jennysyquia and Filip for being so so gracious- and to the wonderful Skarnes for being so warm and welcoming me like family. Precious weekend!”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Si Filip Skarne ay ang Swedish husband ni Jenny at ang tumayong ama ni Cloie.
Nag-post pa ng larawan si KC kasama si Jenny, na nagtrabaho noon bilang modelo at aktres sa Pilipinas bago magpakasal kay Gabby.
Ikinasal sina Gabby at Jenny noong 1993, pero na-annul ang kanilang kasal noong 1996.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.