embed embed2
  • Daddy Na Si KC Montero! Baby Boy Ang Kanyang Panganay

    Nasa mabuti namang kalagayan ang asawa ni KC, si Stephanie Dods.
    by Jocelyn Valle .
  • Ganap nang ama si KC Montero! Ito ang pahiwatig ng litratong ibinahagi ng Filipino-American TV at event host sa kanyang social media post nitong Friday, December 18, 2020.

    Makikita sa litrato na hawak ni KC, na isa ring radio DJ, ang kamay at parte ng mukha at katawan ng panganay nila ng asawang si Stephanie Dods, isang Filipino-New Zealander fashion model.

    Pahayag ni KC sa caption, “Your mom and I have been waiting a long time to meet you.” 

    Ibinahagi niya rin ang pangalan ng kanilang baby boy, Wyatt Cody Miller, at ang araw ng kapanganakan nito, December 14, 2020.

    Cody ang pangalan ng yumaong ama ni KC (Casey Wyatt Garabato Miller ang buong pangalan ni KCat Troy Montero (ang tunay na pangalan ni Tory ay Cody Andrew Garabato Miller III. Cody din ang pangalawang pangalan ng anak ni Troy na si Hunter Cody

    Sa buhos ng pagbati sa comments section, kabilang na dito si Troy at ang actress-wife nitong si Aubrey Miles. Lahad ni Troy, na a, “Welcome to the Fam, little guy.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Noong August inanunsiyo nila KC at Stephanie sa kani-kanilang social media accounts ang napipintong pagdating ng kanilang unang supling. Gumawa ng appreciation post ang media personality at Kumu app executive nang marating ni Stephanie ang huling bahagi ng pagbubuntis.

    Kuwento ni KC sa Instagram post na tagged si Stephanie, “In about 30 days, we’re bringing a little angel into this world. I say we, but honestly it’s YOU. You’re doing all the work. You’re the one getting kicked in the ribs, your bladder punched, countless pin pricks to your fingers, just to name a few.

    “You’ve done most of this on your own, and I couldn’t be more proud to call you my wife. You’re a tough mama. I can’t wait to see you two together. I love you so much. Can you believe this is really happening?”

    Ang sagot naman ni Stephanie, sa pamamagitan din ng Instagram, “Making the most of every spare moment we have together. Couldn’t imagine going through this with anyone else.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nauna rito, nagbigay si Stephanie ng update ng kanyang pagbubuntis. Aniya nang siya ay nasa 22nd week, “Never have I ever felt more beautiful, more excited, more anxious, more grateful.”

    Ang sabi naman niya noong 29 weeks pregnant, “Although cellulite has now entered the chat, my boobs will most likely point to the floor, my thighs are seemingly stuck together and my body is now riddled with veins. I am loving every minute of it. Will probably be one of those annoying people that misses being pregnant.”

    Ikinasal sina Stephanie at KC noong September 9, 2019 sa United States. Taong 2014 nang una silang magkakilala habang bumibisita sa Pilipinas ang Miss Teen New Zealand at Miss New Zealand World pageant title holder.

    Nagkaroon sila ng relasyon at, pagkaraan ng dalawang taon, pumirmi na dito si Stephanie hanggang maging engaged sila ni KC at tuluyang magpakasal. Ngayon ay new parents na sila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles