gifts ideas,celebrity,syn-00370,Kiray Celis,Kiray Celis Niregaluhan Ang Nanay Ng 1M Cash,Arts & Entertainment, Celebrities & Entertainment News, Kiray Celis, cash gift, one million cash gift, gift ideas to moms,Niregaluhan ni Kiray Celis ang kanyang nanay ng 1 million pesos in cash sa birthday nito.
LifeNews

1 Million Pesos In Cash Ang Advance Birthday Gift Ni Kiray Celis Sa Kanyang Nanay

Si Kiray ang nagtataguyod ng pamilya bilang breadwinner.
PHOTO BYInstagram/kiraycelis

Napaluha ang ina ni Kiray Celis na si Meriam Celis dahil sa advance birthday gift ng anak sa kanya.

Kiray Celis gifts mom with P1-M cash

Sa video na in-upload sa Facebook kagabi, April 10, 2023, ibinahagi ni Kiray ang pagsorpresa niya sa ina para sa ika-58 kaarawan nito sa darating na May 24.

Binigyan ng Kapuso comedienne ng isang milyong piso, in cash, ang ina.

Ayon kay Kiray, ito ay hiniling ng kanyang ina noon para maipagawa na ang bagong bahay sa nabili nilang lote.

Gagawin daw kasi nila itong paupahan para sa karagdagang income.

Caption ni Kiray sa post: “1 Million Cash Para kay Mama! [praying hands emoji] Happy birthday, Ma! mahal na mahal kita sobra sobra! [heart emoji]”

watch now

Sa Instagram, ibinahagi naman ni Kiray ang larawan nila ng inang hawak ang isang milyong piso.

Sabi ng komedyante, sulit daw ang lahat ng pagod niya sa trabaho dahil napasaya nito ang kanyang magulang.

Kulang pa nga raw ito kung tutuusin sa sakripisyo nito sa kanilang buhay.

Bahagi ng kanyang caption: “Isang milyong regalo sa birthday ng aking ina.. kulang pa yan sa pagmamahal, pagaalaga at pagaasikaso mo sakin.. akala ko june ko pa mabibigay sayo. Pero nabuo ko na ng maaga. Worth it lahat ng pagod at paos ko sa lahat ng trabaho ko.”

Umaasa naman si Kiray na magsisilbi siyang inspirasyon sa iba para maging mabuting anak.

Maliit man daw o malaki, maa-appreciate ito ng mga magulang.

Dagdag pa ni Kiray: “Sana maging inspirasyon ako sa mga kagaya kong anak na kapag napagod.. magpahinga lang tapos tuloy ulit! Para maibigay lahat at makatulong sa pamilya natin.

“Maliit man o malaki, basta galing sa puso ang tulong mo.. naappreciate yan ng mga magulang niyo. Mabuhay lahat ng bread winner na anak sa mundo!”

View this post on Instagram

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

 

NETIZENS REACT

Magkaiba naman ang reaksiyon ng netizens sa post ni Kiray sa Instagram.

Karamihan dito ay positibo at pumupuri sa kanyang pagiging mabait na anak:

PHOTO BY Instagram/kiraycelis

PHOTO BY Instagram/kiraycelis

Samantala, may ilang netizens na binalaan si Kiray sa labis na pagpi-flex ng malaking halaga sa social media.

Baka raw maging mitsa pa ito ng buhay nila:

PHOTO BY Instagram/kiraycelis

PHOTO BY Instagram/kiraycelis

Noong June 2021, binigyan na rin ni Kiray ang ina ng P56,000 para sa ika-56 kaarawan nito.

Noong nakaraang July 2022, ang kanya namang amang si Jonathan Celis o Papa Than ang binigyan ni Kiray ng P63-K para sa ika-63 na kaarawan nito.

 

This story originally appeared on Pep.ph.

*Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.


View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close