embed embed2
  • Anak Ni Kris Aquino Na Si Bimb, Teenager Na. 'Nobody Has Loved Me Like My Bunso Does'

    Look - tumangkad nang husto si Bimb!
    by Lei Dimarucut-Sison .
  • Malayo man sa kanilang tahanan, nairaos pa din nila Kris Aquino at mga anak na sina Josh, 25 anyos, at Bimb ang kaarawan ng bunso noong April 19, 2020. Si Bimb, o James Aquino Yap, Jr., ay 13 anyos na at ganap nang teenager.

    Kasalukuyang tumutuloy ang mag-anak sa private resort ng TV host na si Willie Revillame sa Puerto Galera, Mindoro — ang Sunset at Aninuan Beach Resort.

    Dito na kasi inabutan sina Kris ng announcement ng community quarantine noong March 15, 2020 kaya hindi na sila nakabiyahe pauwi ng Maynila, at nagmagandang-loob naman ang TV host ng GMA kay Kris at mga anak nito.

    "We flew here from Boracay where we had a shoot for @theauhanaboracay more than 5 weeks ago, just the 3 of us, not realizing we’d reach Bimb’s birthday," ani Kris sa Instagram post niya noong April 19.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Sa resort ay tanging mga staff ni Willie at ilan pang mabubuting loob daw ang kasama nina Kris. At ngayong birthday ni Bimb, sila din ang katulong niya sa pagluluto ng munting handa ni Bimb.

    "I prepared the baked spaghetti & because I improvised, I have a new cheese sauce recipe I added to the meat sauce that I can share w/ all of you when we’re back in our home’s kitchen. 

    "Check [Willy's staff] made the barbecue, Ate Loida helped us order Bimb’s gelato birthday cake & she gave the cheese & cold cuts platter, and the staff here @sunset.aninuan brought in the carrot cake," kwento ni Kris.

    Sa video na ipinost ni Kris, nag-blow ng birthday candles si Bimb kasama ang kanyang mommy at kuya.

    Wala man sa plano ang mga pangyayaring ito, malaki ang pasasalamat ni Kris dahil lalo daw silang napalapit mag-iina sa isa't isa nitong nakaraang mga linggo dahil dito.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "HAPPY 13th birthday, Bimb... THANK YOU to God, Our Father- He makes it possible for the 3 of us to LOVE each other unconditionally, trying to do so with humor & laughter, regardless of the trials & tears I wish I could have shielded my 2 from... we understand, appreciate & support our small family unit... and we remain grateful for blessings big & small."

    Dahil daw sa kanyang dalawang anak, ramdam na ramdam ni Kris na siya ay tunay na pinagpala. 

    "My 2 sons are living proof- I continue to be blessed far more than a person deserves to be."

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles