Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Bukod Kay Kristine Hermosa, Sino Pa Ang Celeb Moms Na May Pinagmanahan Ng Ganda?

    Mana sa mama!
    by Jocelyn Valle .
Bukod Kay Kristine Hermosa, Sino Pa Ang Celeb Moms Na May Pinagmanahan Ng Ganda?
PHOTO BY @khsotto/Instagram
  • Kamakailan ay nagbigay pugay si Kristine Hermosa sa kanyang ina na si Maria Alma “Mai” Orille sa pamamagitan ng isang Instagram post kalakip ang kanilang larawan kasama ang kanyang kapatid na si Kathleen Hermosa.

    “Missing you always my Mama,” sulat ng 36-year-old actress sa caption para sa inang nakabase na sa ibang bansa. “I LOVE YOU FOREVER.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maraming Instagram followers ni Kristine ang natuwa. Anila may pinagmanahan pala ang magkapatid ng kanilang angking ganda.

    Naipasa ni Kristine ang beautiful genes sa kanilang mga anak ng mister na si Oyo Sotto.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Katulad ni Kristine ay mana din sa kanilang mga magandang mama sina Lucy Torres, Dawn Zulueta, Charlene Gonzalez, at Angel Aquino.

    More from Smart Parenting

    LUCY TORRES

    Hindi man nagtuloy-tuloy ang acting career ni Lucy Torres at ipinaubaya na lang ang pag-a-artista sa kanyang mister na si Richard Gomez ay itinuturing pa ring one of the most beautiful faces in showbiz ang dating commercial model at ngayon ay Leyte 4th district representative.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Madalas mag-post si Lucy sa Instagram ng mga bago at lumang litrato ng kanyang inang si Julie Torres. Proud siya sa ganda nito noon at ngayon. Maging si Lucy ay timeless beauty sa edad 45 sa darating na December at ina sa unica hija na si Julianna, 19 years old.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    DAWN ZULUETA

    May kinalaman sa kakaibang ganda ni Dawn Zulueta ang kanyang ina na si Maria Cleofe “Cleo” Salman. Ang ama ni Cleo na si George Anton Salman ay isang Palestinian Arab na naglakbay mula sa kanyang birthplace na Bethlehem hanggang sa narating niya ang Pilipinas at nagpundar ng textile business dito. Nakapangasawa si George ng isang Pilipina na tubong Bulacan at nagkaroon sila ng isa pang anak bukod kay Cleo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kabilang banda, ang ama ni Dawn na si Jose Fazil Taleon ay Ilonggo. Marie Rachel Salman Taleon ang kanyang tunay na pangalan. Kasal ang 50-year-old actress kay Anton Lagdameo Jr, isang businessman na dating congressman ng Davao del Norte, 2nd district. Mayroon silang dalawang anak, sina Jacobo at Ayisha.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    CHARLENE GONZALEZ

    Katulad ni Charlene Gonzalez, na finalist sa Miss Universe 1994 na ginanap sa Pilipinas, ay isang beauty queen din ang kanyang ina na si Elvira “Elvie” Gonzalez. Lumahok at naging runner-up si Elvie sa Binibining Pilipinas pageant noong 1964 at 1965. Noon ding 1965 ay nagwagi naman siya sa Miss Philippine Press Photography na siyang nagbigay daan sa kanya sa showbiz, kung saan naman niya nakilala ang aktor na si Bernard Bonnin. Bukod kay Charlene ay mayroon silang anak na lalaki, si Richard Bonnin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Charlene, 45 years old, ay nag-lie low din sa showbiz upang maging full-time mother sa mga anak nila ng asawang si Aga Muhlach. Nitong November 5 ay nagdiwang ng 18th birthday ang kanilang twin kids na sina Andres at Atasha. Iyon din ang petsa ng operasyon ni Charlene dahil sa appendicitis. Sumailalim siya sa laparoscopic appendectomy para tanggalin ang kanyang swollen appendix.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    ANGEL AQUINO

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bilang single mother, nakahanap si Angel Aquino sa kanyang ina na si Blanca Aquino ng katuwang sa araw-araw na pag-a-alaga sa kanyang mga anak na sina Iana at Thea, na mga dalaga na ngayon.

    Sa Instagram, may mga post sina Angel, Iana, at Thea na nagpapakita kung kanino nila namana ang kanilang ganda. Ika nga ni Iana sa kanyang 2014 post, “We got it from our Nanay.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles