embed embed2
  • Galing Ng Pinoy! Kumalat Na Ang Community Pantry Ng Maginhawa Sa Maraming Lugar

    Meron na ring community pantry sa Matiyaga St. at P. Noval.
    by Jocelyn Valle .
  • Marami man ang nangangailangan ngayong panahon ng pandemya, marami pa rin ang handang tumulong.

    Ito ang napatunayan sa community pantry na sinimulan ni Ana Patricia Non, isang furniture designer, sa kanyang lugar sa Maginhawa St. sa Teacher's Village, Quezon City.

    Ang ginawa ni Ana Patricia, ayon sa kanyang Facebook post nitong April 14, 2021, naglagay siya sa isang kariton na gawa sa kawayan ng basic goods. Kabilang dito ang bigas, gulay, gatas, vitamins, kape, face mask, de lata, sabon, soup, at mga sahog sa spaghetti at sopas.

    Pagkatapos, pinuwesto niya ang kariton sa may gilid ng kalsada at nilagyan ng ganitong paskil: "Magbigay ayon sa kakayahan. Kumuha ayon sa pangangailangan."

    Nag-anunsiyo din siya sa pagbubukas ng tinatawag na community pantry at hinikayat ang lahat na tangkilikin ito. Aniya pa sa caption, "Wag mahiyang kumuha, andun lang po iyun. May hand sanitizer din para sa mga kukuha at mag-iiwan.

    "Kung kayo ay nasa neighborhood, pwede din kayo mag-iwan sa community pantry ng groceries, andun lang iyon from 6AM-6PM. Kung sakaling malayo ka naman, pwede ka magsimula ng community pantry sa inyong lugar. Salamat!"

    May mga pahabol pa siya: "P.S. wag nyo na lang po kunin ang kariton para po makapag-iwan pa ang iba. Gagamitin pa po namin yan sa bahay naghahanap lang po ako ng mas maayos na shelf para sa community pantry.

    "P.P.S. Di nito masasagot ang root cause ng kagutuman pero okay na din na pantawid gutom sa mga nangangailangan. Mahirap magtrabaho, mag-aral at lumaban habang kumakalam ang tyan."  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gumamit din siya ng mga hashtag na #SocialSolidarity at #PhysicalDistancing.

    Nagulat na lang si Ana Patricia sa naging reaksyon ng mga tao. Kung may mga kumuha ng mga pagkain at iba pang bagay sa kariton, may mga nag-iwan din ng ilan pang basic goods.

    Nagkaroon pa ng inspirasyon ang ibang grupo na magtalaga ng community pantry sa kani-kanilang lugar sa P. Noval St. sa Sampaloc, Manila at sa Matiyaga St., na malapit lang sa Maginhawa.

    Sabi ni Ana Patricia sa kanyang interview sa One Balita Pilipinas newscast: "Ang point ko dito sa community pantry, kung ano ang nabigay ko, tapos na ’yun. Naibigay ko na ’yun. Hindi na ako maga-ask ng anything na kapalit or hindi ko kailangan i-monitor kung sino ’yung kumuha. Maraming gutom."

    Dagdag pa niya, "Nagulat ako na nag-trend siya. Dapat norm siya na nagtutulungan ang mga tao.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles