-
Lahat Ng Pwede Nang Gawin Ngayong Mas Maluwag Na Ang Mga Quarantine Rules
Maluwag man ang mga patakaran, hindi ito sapat na dahilan para maging kampante ka.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Unti-unti na ngang lumuluwag ang mga quarantine rules sa ating bansa, matapos ianunsyo ng Palasyo noong nakaraang linggo ang ilang mga pagbabago sa mga patakaran.
READ THE MOST RECENT NEWS ABOUT COVID-19 HERE:
- COVID-19 Virus Can Survive Up To 28 Days On Your Phone Screen
- PH Researchers: Tests Show Virgin Coconut Oil May Help 'Destroy' COVID-19
Nangunguna na riyan ang pagpayag sa paglabas ng mga menor de edad at mga senior citizens sa kani-kanilang mga tahanan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan na ang resolusyon para payagang makalabas ang sino mang edad 15 hanggang 65.
Alinsunod ito sa pagluwag ng mga tinatawag na age-based travel restrictions bunsod ng paglaganap ng COVID-19. Sa kabila nito, maaari namang magkaroon ng mas mahigpit na patakaran ang mga lokal na pamahalaan.
Kaugnay nito, narito pa ang ilan sa mga pwede mo nang gawin ngayong mas maluwag na ang mga quarantine rules:
Pwede na ang mga non-essential outbound travel
Ibig sabihin, pwede mo na ulit tuparin ang iyong mga travel goals—basta't kailangan mo lang sundin ang mga requirements na ito:
- Submission of confirmed roundtrip tickets
- Adequate travel and health insurance for those traveling in tourist visas
- Execution of an immigration declaration acknowledging the risks involved in traveling
- A negative Antigen result taken within 24 hours before departure, subject to the Department of Health guidelines
Paalala pa ni Roque, kailangan pa ring sumunod sa mga itinalagang guidelines ng National Task Force for returning overseas Filipino workers. Kabilang dito ang pagkakaroon ng mandatory COVID-19 testing at quarantine.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPwede na ang travel sa pagitan ng mga lugar sa ilalim ng GCQ at MGCQ
Kung noon ay sa sariling siyudad o bayan mo lang ikaw pwedeng umikot o gumalaw, ngayon, pwede ka nang pumunta sa mga karatig bayan, basta's GCQ o MGCQ ang kanilang klasipikasyon ayon sa alituntunin ng Inter-Agency Task Force on COVID-19.
Kabilang sa mga lugar na GCQ na o General Community Quarantine ang Batangas province, kasama ang Tacloban, Iloilo, Bacolod, at Iligan. MGCQ o Modified General Community Quarantine naman sa buong bansa, maliban sa Lanao Del Sur na nananatili sa MECQ o Modified Enhanced Community Quarantine, ang ikalawang pinakamataas na uri ng quarantine.
One seat apart na sa mga pampublikong transportasyon
Dati ay kailangang isang metro ang layo ng isang pasahero sa isa pa. Ngayon, pinapayagan na ang one seat apart sa mga bus, tren, at jeep.
Mas marami nang pwedeng sumakay sa MRT, LRT, at PNR trains
Patuloy naman ang pagpapaalala ng mga awtoridad sa mga commuters na regular na sumasakay sa tren, na mas paigtingin pa ang pansariling COVID-19 prevention measures, lalo ngayong itinaas na sa 30% capacity ang mga bagon.
Unti-unti itong itataas sa 50%, ayon sa Department of Transportation. Ibig sabihin, makakasakay na ang 372 pasahero sa bawat tren. Aabot ng mula 124 hanggang 153 tao sa kada bagon, kumpara sa noo'y 51 katao lang.
Naglagay na ang DOTr ng mga social distancing markers sa mga gilid ng tren para mabigyang gabay ang mga pasahero. Kailangan pa ring magsuot ng face mask at face shield at bawal ang pakikipag-usap at pagkain sa loob ng tren.
CONTINUE READING BELOWwatch nowPwede nang magbukas ng 24 hours ang mga restaurants sa GCQ areas
Pwede na ang dine-in, take out, kung nasa GCQ area ang paborito ninyong restaurants.
Mas marami nang customers ang pwede sa salons
75% capacity na ang pwede sa mga barbershops at salons, mula sa dating 50% lang.
Pwede na ang mga sales sa shopping malls
Maaalalang dati ay sobra-sobra ang traffic kapag kabi-kabila ang mga sales sa mga malls. Nang magsimula ang quarantine sa buong bansa, online sales na lang ang inaabangan ng mga tao.
Ngayong mas maluwag na ang mga patakaran, at tamang-tama rin para sa Pasko, pwede nang magdaos muli ng mga sales ang mga shopping centers.
Pwede nang magsimba sa siyudad ng Manila
Mas marami nang pwedeng papasukin sa mga simbahan ngayon, matapos pirmahan ni Mayor Isko Moreno ang executive order na nagsasaad na pwede na ang 30% katao sa loob ng mga simbahan at mosque.
'Di hamak na mas marami ito kumpara sa nakaraang 10% lamang. Mananatiling mga mananampalatayang edad 18 hanggang 65 lang ang pwedeng pumasok sa loob para makinig ng misa.
READ THE MOST RECENT NEWS ABOUT COVID-19 HERE:
- COVID-19 Virus Can Survive Up To 28 Days On Your Phone Screen
- PH Researchers: Tests Show Virgin Coconut Oil May Help 'Destroy' COVID-19
Sa kabila ng pagbaba ng mga limitasyon dito sa atin, maging sa mga karatig bansa, patuloy pa rin ang laban para sugpuin ang COVID-19. Kaya naman para mapanatiling ligtas ang inyong pamilya, importanteng hindi kayo magpabaya sa pagsunod sa social distancing, frequent handwashing, at pagsuot ng mga personal protective gears tulad ng face shield at face mask.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPara sa karagdagang balita tungkol sa COVID-19, bisitahin lang ang website ng Reportr.
What other parents are reading

- Shares
- Comments