PHOTO BY From left to right: Instagram/Lea Salonga, Facebook/Lea Salonga
Sunod-sunod ang pananawagan ng mga tao sa Department of Education (DepEd) dahil sa humahabang listahan ng pagkakamali sa mga learning modules ng mga mag-aaral.
Hindi pa nga lumilipas ang issue na kinasasangkutan ng isang guro at ni Angel Locsin dahil sa isang learning module, heto't may paparating nanamang bago.
Nito lang November 17 ay ibinahagi ng Tony Award-winning actress na si Lea Salonga ang kanyang pagkadismaya sa isang self-learning module na tila ba nagsasabing katumbas ng pagiging kriminal ang pagkakaroon ng tattoo.
Makikita sa Facebook post ni Lea ang tanong sa naturang module na ang sabi: "Ang tattoo ay simbolo ng..."
Sinundan ito ng apat na pagpipilian: "A. pagiging kriminal; B. pagkaalipin; C. kagitingan at kagandahan; pagiging mababa ng katayuan sa lipunan."
Ayon kay Salonga, sinasabi sa answer key ng module na "A. pagiging kriminal" ang tamang sagot.
"Someone would need to tell me if this thing is really ok'd by the DepEd. And if so, WHAT KIND OF BS IS THIS???" Pahayag ni Lea sa kanyang Facebook post.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"I am THISCLOSE to getting a tattoo, if only to prove a point," dagdag pa niya.
Nanghingi rin naman ng konteksto si Lea para mas mapatunayan ang validity ng naturang learning module.
"Can someone upload a photo of the full, unedited sheet? That whole LETTER A thing covers the rest of it, and we need some context," sabi niya.
Narito ang isa pang version ng naturang post na kasama naman ang answer key.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakakita ng mali ang mga netizens sa mga aprubadong learning modules ng mga mag-aaral.
Kaya naman ganoon na lang ang pag-aalala ng mga magulang na maaaring hindi tama ang natututunan ng kanilang mga anak.
Wala pang pahayag ang DepEd ukol dito sa oras ng pagkakasulat ng artikulong ito.
Nakakita ka na ba ng mali sa mga learning modules ng anak mo? Ipadala mo ang larawan at kwento sa aming email address na smartparentingsubmissions@gmail.com.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Recommended Videos
Maaari ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Follow Ana Gonzales on Instagram at @mrs.anagonzales.
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!
You're almost there! Check your inbox.
We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.