Bilang pag gunita sa ika-27 National Children’s Month, libreng makakasakay ang mga bata ngayong araw sa LRT-2.
Ang tema ng National Children’s Month ngayong taon ay “Karapatang Pambata: Patuloy na Pahalagahan at Gampanan Tungo sa Magandang Kinabukasan.” Kaya naman para patotohanan ang pagbibigay pugay sa karapatan ng mga kabataan, libreng sakay ang naging daan ng pamunuan ng LRT-2.
Ayon sa management ng Light Rail Transit-Line 2, ang mga pasaherong ang edad ay mababa sa disi-otso (below 18 years of age) ay makakasakay ng walang bayad, mula alas siyete hanggang alas nuwebe ng umaga at mula alas singko ng hapon hanggang alas siyete ng gabi (7am to 9am and 5pm to 7pm).
Ayon pa sa kanilang advisory, kailangan ipakita ng mga estudyanteng pasahero ang kanilang valid school ID para makasakay ng libre.
Gayon din ang offer ng MRT-3 sa mga pasahero nito. Ayon sa kanilang advisory, libreng sakay ang mga menor de edad sa parehong oras na nabanggit para sa LRT-2.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Dagdag pa ng management ng LRT-2, ang mga menor de edad na nakasakay ng libre ay papayagang makalabas sa pamamagitan ng service gates o kahit anong assigned automatic gates mula 9:01am hanggang 9:35am at mula 7:01pm hanggang 7:35pm. “Exiting beyond these time limits will be subject the passenger to a penalty as a lost ticket upon exit,” sabi nila sa kanilang implementing guidelines.
Dadaan pa rin ang mga bata sa security measures tulad ng frisking at baggage inspections upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng lahat ng mga pasahero.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.