
PHOTO BY Pexels

Trending in Summit Network
Kamakailan nga ay inilunsad ng Land Bank of the Philippines ang kanilang 'Study Now, Pay Later' program para sa school year 2020-2021.
Ayon kay Landbank president at CEO Cecilia Borromeo, inilunsad ang direct loan program bilang tugon sa pangangailangan ng mga magulang na hindi alam kung paano pag-aaralin ang mga anak. Matatandaang maraming kababayan natin ang nawalan ng pagkakakitaan dahil sa COVID-19 pandemic.
Nagtalaga ng Php1.5 bilyong piso ang Landbank para suportahan ang I-STUDY o Interim Student's Loan for Tuitions na papunta naman sa lending program nito na Upliftment of Education for the Development of the Youth. Ang programang ito ang sasagot sa tuition at iba pang mga enrollment-related fees ng mga kwalipikadong estudyante.
Bukas ang I-STUDY program para sa mga magulang at guardians na may mga anak na pasado sa admission at retention requirements ng mga paaralan o academic institutions na kinikilala ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), o ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Maaaring manghiram ang mga magulang ng halaga na katumbas ng isang school year o dalawang semesters. Umaabot ang halagang ito ng hanggang Php150,000 kada estudyante o Php300,000 kada eligible borrower.
Ayon pa kay Borromeo, suportado ng Landbank ang panawagan ng pamahalaan na bigyan ng tulong pinansyal ang mga estudyanteng maaaring nakakaranas ng economic challenges bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ang I-Study lending program ay may fixed interest rate na 5% per annum para sa mga short-term loans na nakalaan sa mga pre-school, primary, at secondary students. Pwede itong bayaran sa loob ng isang taon.
Samantala, maaari namang bayaran sa loob ng tatlong taon ang hiniram para sa loans ng mga tertiary students, kasama na ang isang taong grace period.
Kailangang mayroong established repayment capacity, credit history, at magandang credit standing ang mga magulang o guardians na interesadong mag-loan.
Samantala, para naman maging eligible ang isang estudyante, kailangang hindi siya benepisyaryo ng Universal Access for Quality Tertiary Education Act of 2017 or Republic Act No. 10931 o ano mang scholarship program at pribilehiyo na ibinibigay sa mga honor students. Kailangan ding magsumite ng certificate of good moral character galing sa paaralan.
Para sa iba pang mga kwento, balita, at updates tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Step 1:
Open the email in your inbox.
Step 2:
Click on the link in the email.
Step 3:
Continue to reset your password on Smartparenting.com.ph.