-
Make It Count! Important Things To Know Before Casting Your Vote On May 9
Ipaalam ito sa buong pamilya. Dahil bawat boto ay mahalaga!by Angela Baylon .
- Shares
- Comments

Isang linggo na lamang ang nalalabi bago ang May 9, 2022 Philippine national elections kung saan tinatayang aabot sa 62 million na rehistradong botante ang pipili ng mga susunod na lider ng bansa.
Malaki ang epekto ng magiging resulta ng botohan sa bawat pamilyang Pilipino. Mula sa edukasyon, trabaho at hanapbuhay, kalusugan, hanggang sa mga batas na patungkol sa karapatan ng bawat magulang lahat ito ay nakakasalalay sa magiging desisyon ng susunod na mga mauupo sa gobyerno.
I-click dito para sa iba pang mahahalagang ulat tungkol sa #PHElections2022..
Kaya naman sa nalalapit na eleksyon, mahalaga na maghanda upang masigurong mabibilang ang inyong boto. Ngayon eleksyon rin ay tinatayang higit sa kalahati ng mga botante ay mga kabataan o iyong mga nasa tinatawag na "youth sector."
Magbasa ng iba pang election-related articles:
- Parent Lessons During Election Season
- How A Family Uses 2022 Elections As Teachable Moment
- Expert Tips To Guide Your Young Voter
Dahil dito mahalaga ang papel ng mga magulang upang gabayan ang kanilang mga anak sa proseso ng botohan gayundin sa pagpili ng mga lider.
Malamang ay halos desidido na kayo sa mga kandidatong inyong iboboto. Bukod sa paghahanda ng listahan ng magiging laman ng inyong balota, narito ang ilang paalala at mahahalagang impormasyon na dapat malaman ng bawat botante.
Voter's Guide: May 9 Philippine National Elections
1. Alamin kung saan boboto.
What: Philippine National Elections
When: May 9, 2022, 6 a.m. to 7 p.m.
Who: Mga kandidatong iboboto
Pero paano malaman ang where?
Inilunsad na ng Commission on Elections (Comelec) nitong Abril ang Online Precinct Finder. Dito malalaman agad ng mga rehistradong botante ang kanilang voter status maging kung saan ang kanilang polling place at precinct number.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWInaasahan na mapapabilis nito ang proseso sa mismong araw ng botohan. Maaaring i-accesss ang Online Precinct Finder sa https://voterverifier.comelec.gov.ph/voter_precinct
Paano kung hindi makita ang iyong records o hindi "active" ang nakalagay na status?
Para sa mga katanungan o anumang aberya, maaaring tumawag o bumisita sa opisina ng inyong city o municipality election officer.
Maaari ring mag-email sa itd@comelec.gov.ph o voterverifier@comelec.gov.ph at ibigay ang inyong impormasyon: pangalan, birthday, lugar kung saan ka nagparehistro.
2. Alamin ang mga safe at health protocols
Nananatili ang banta ng COVID-19 pandemic sa bansa. bilang pag-iingat, patuloy na ipatutupad ang mga safety protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at pananatili ng physical distancing. Hinihikayat din ang lahat na magdala ng alcohol o hand sanitizer.
Paano kung biglang makaramdam ng sintomas ng COVID-19 bago o sa araw ng botohan?
Ayon sa Comelec, maaari pa ring bumoto. Kung mangyari ito, siguruhing magsuot ng face mask at face shield bago pumunta sa polling place.
Upang maiwasan ang posibleng hawaan ng sakit, mayroon umanong nakahandang mga isolation room para sa mga may sintomas ng COVID-19. (Basahin ang kaugnay na ulat ng Reportr.World dito)
3. Alamin ang mga dadalhin.
Bukod sa listahan ng mga kandidatong iboboto bilang gabay siguruhin din na dalhin ang mga sumusunod:
1. Voter's ID o alinmang government-issued ID na magpapatunay ng iyong pagkakakilanlan.
2. Ballpen na gagamitin sa pagpirma sa Election Day Computerized Voters List na gagamitin upang maging basehan at patunay ng iyong pagboboto.
Alalahanin na dine-deactivate ng Comelec ang account ng botante na bigong makaboto ng dalawang magkasunod na eleksyon.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos3. Face mask, alcohol, o hand sanitizer.
Inaasahan na ang pagdagsa ng mga botante kaya naman pinapayuhan ang lahat na kung maaari at kung kakayanin ay pumunta sa designated polling place nang maaga.
Sa araw ng botohan magbubukas ang mga polling place simula 6 a.m. at tatanggap ng mga botante hanggang 7 p.m.
Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa proseso ng botohan, narito ang step-by-step guide mula sa Comelec:
PHOTO BY comelecIlang mahahalagang paalala: Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng campaign materials sa polling places. Gayundin iwasan na kuhanan ng retrato ang inyong balota.
Magkaibang boto sa bahay? Alamin dito ang mga payo kung hindi tugma ang desisyon sa pamilya tungkol sa eleksyon.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments