embed embed2
  • Sanitation Cannon, Bagong COVID-19 Testing Center, Proyekto Ng Marikina City Government

    Hands on sa pamumuno sa lungsod si Mayor Marcy, na isa ring butihing ama
    by Lei Dimarucut-Sison .
  • Sa gitna ng krisis na kinakaharap ng buong mundo at ng ating bansa dahil sa COVID-19, umaangat ang galing ng mga namumuno sa ating local government units (LGUs).

    Naging usap-usapan ang mga proyektong ipinapatupad ng lungsod ng Pasig, sa pamumuno ni Mayor Vico Sotto, nitong nakaraang mga araw dahil maraming mga Pasigueno ang natutuwa na sila ay tagarito.

    Isa pang lungsod na patuloy na umaani ng papuri mula sa mga mamamayan nito ay ang Marikina, na pinamumunuan ni Mayor Marcelino Teodoro. Ang 49-taong gulang na si Mayor Marcy, na nagtapos na cum laude ng AB Philosophy sa University of the Philippines, ay nasa ikalawang termino na bilang alkalde ng Marikina. 

    What other parents are reading

    Narito ang ilan sa mga paraan kung paano tinutugunan ng Marikina City government ang mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan:     

    1. Waived interest kung late ang Real Property Tax

    Ang mga hindi makakapagbayad ng kanilang amilyar o Real Property Tax sa deadline na March 31, 2020 ay hindi papatawan ng karagdagang interes.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Wala ring penalty na ipapataw sa mga nagrerenta ng fixed stalls sa Marikina Public Market sakaling hindi sila makabayad sa March 30, 2020 na deadline.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    2. Libreng Sakay 

    Dahil sa enhanced community quarantine, sinuspinde ang biyahe ng mga public utility vehicles sa Luzon. Ang solusyon ni Mayor Marcy, Libreng Sakay gamit ang mga coaster ng siyudad. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang Libreng Sakay ng Marikina ay may 7 ruta: Barangka Flyover, Panorama Station, Camacho Homeowners, Santan/Caltex gas station, Sotto Outlet Marcos Highway, Tumana, at Marikina Heights. Bumibiyahe ang mga ito araw-araw mula 6:00 hanggang 10:00 ng umaga, at 3:00 hanggang 7:00 ng gabi.

    Ang mga ito ay makakatulong kung kailangang lumabas ng bahay para mamili ng pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain o bumili ng gamot, at para din sa mga health workers na kailangang pumasok sa kanilang trabaho. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Price freeze sa mga bilihin

    Ayon sa Facebook post sa Marikina PIO, ang mga pinuno ng Pamahalaang Lungsod ay naatasang magbantay ng presyo ng mga bilihin para siguraduhing tama ito. 

    "Mayroon pa ring Price Freeze sa lahat ng pamilihan," sabi dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    4. Sanitizing cannon at decontamination tent sa pampublikong lugar

    Ipinakita ni Mayor Marcy ang mga bagong kagamitan para i-disinfect ang mga pampublikong lugar sa Marikina.

    Isa dito ang community sanitizing cannon na nagbubuga ng plant-based solution hanggang 40 metro ang layo, kaya maiging gamitin sa malalaking lugar gaya ng eskwelahan at sa city hall. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon din silang inilagay na mga misting/decontamination tents sa ilang lugar sa lungsod para gamitin ng mga indibidwal. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Pagpapatayo ng sariling COVID-19 testing center

    Noong March 13, inanunsyo ni Mayor Marcy na magkakaroon ang Marikina ng sarili nitong laboratory testing center para ma-detect nang maaga ang COVID-19.

    "Ito ay agad para agad-agad ma-test natin ang persons under monitoring o PUMs. This will liberate a person after ma-test nito. Ito ang ganda nito, hindi na siya mag-aaalala pa," sabi niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang proyektong ito ay partnership sa Manila Health Tek, na tutulong magsanay ng mga doktor mula sa City Health Office ng Marikina. 

    Kapag mayroon nang laboratory testing center ang Marikina, ang mga nakakaranas ng sintomas ng COVID-19 ay maaring tumawag sa hotline ng Marikina Rescue 161, at sila ay susunduin ng ambulansya para dalhin sa City Health Office kung saan isasagawa ang test.  

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles