embed embed2
  • Melai Cantiveros, Itinuturo Ang Humble Beginnings Niya Sa Kanyang Mga Anak

    Ito ang paraan nila para ihanda ang kanilang mga anak sa anumang pagsubok sa buhay
    by Lei Dimarucut-Sison .
Melai Cantiveros, Itinuturo Ang Humble Beginnings Niya Sa Kanyang Mga Anak
PHOTO BY @mrandmrsfrancisco/Instagram
  • “Thank you Lord, ngayon talagang nabibigay namin ang mga gusto ng mga anak namin. Hashtag blessed talaga kami.” Ito ang nasabi ni Melai Cantiveros nang makausap ng Pep.ph sa isang event kamakailan, patukoy sa mga biyayang natatanggap ng kanilang pamilya.

    Pero kahit nakakaluwag na sa buhay ang mag-asawang Melai at Jason Francisco, hindi nila nakakalimutang lumingon sa kanilang pinanggalingan, lalo na para sa kapakanan ng kanilang mga anak na sila Mela, 4 at Stella, 2. (Paano disiplinahin ni Melai ang kanyang mga anak? Basahin dito.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ng Magandang Buhay co-host, ipinapakilala pa rin nila sa kanilang mga anak ang simpleng buhay na pareho nilang kinalakihan noon sa kani-kanilang probinsya. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Kami naman kasi, sanay kami ni Jason sa hirap,” sabi niya, at sa katunayan, pinipili pa din nilang makituloy sa mga kaanak kapag bumibisita sila sa mga ito.

    “Doon pa rin kami sa mga pinsan namin. Nung December, nagbakasyon kami sa Gen San, punta kami ng Bohol, hindi kami nagho-hotel-hotel.

    “Kumbaga mga anak ko, nakitira kami sa lolo ko, sa ancestral house namin. Ini-immersion ko sila doon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Iyong buhay ko noon, iyon iyong pinapa-experience ko sa kanila.

    “Kasi iyon nga sinasabi ko, hindi ka na mag-shock sa buhay. Kung ano man darating sa future, always ka immune sa mga darating sa buhay.”

    Ani Melai, iba ang saya ng kanyang mga anak kapag kasama ang kanilang mga kamag-anak, at ikinatutuwa niya ito.

    “Ang saya ng mga bata. Nakikita ko nga na mas masaya sila sa pinsan nila kaysa sa material things.

    “Kaya doon ako naha-happy. Thank you, Lord. Parang I’m on the right track on my role bilang mama.”

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles