embed embed2
  • Bumati Si Meryll Soriano Ng Bagong Taon Kasama Ang Bagong Baby

    Pinaniniwalaang anak nila ni Joem Bascon ang baby.
    by Jocelyn Valle .
Bumati Si Meryll Soriano Ng Bagong Taon Kasama Ang Bagong Baby
PHOTO BY Instagram/planetumeboshi
  • Ginulat ni Meryll Soriano ang kanyang Instagram followers nitong January 1, 2021 nang bumati siya ng “Happy New Year from our family to yours.” 

    Kasama kasi ni Meryll sa tatlong litrato si Joem Bascon, ang ex-boyfriend na sinasabing nakabalikan niya, at karga naman niya ang isang newborn baby. Sa huling litrato, kapiling na nila si Elijah Palanca, ang 13-year-old son ng aktres sa ex-husband na si Bernard Palanca.

    Aniya pa sa caption, “2021! May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy and love. New year, new hopes, new positive outcomes.”

    Bagamat hindi nagbigay ng detalye si Meryll tungkol sa baby, pinaniniwalaang anak nila ito ni Joem. Una silang naging malapit sa isa’t-isa nang magkatrabaho sa I Love Betty La Fea, ang 2008 Philippine adaptation ng sikat na Columbian telenovela. Nagkaroon sila ng relasyon, ngunit naghiwalay noong 2010.

    Pagkaraan ng siyam na taon, nagkatrabahong muli sina Meryll at Joem sa pelikulang Culion, na kinunan sa dating Culion Leper Colony sa Palawan. Ipinalabas ang pelikula noong December 2019 bilang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Noong mga panahon na iyon, madalas matanong sina Meryll at Joem tungkol sa kanilang closeness. Pero hindi sila nagbigay ng kupirmasyon kung nagkabalikan na nga sila.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

     

    Bago pa ang New Year’s Day greeting ni Meryll, may post na siya na tungkol sa baby. Una ang litrato niya at ng kanyang  tatay na si Willie Revillame, na ang sabi niya sa caption, “Love you, Papa.” Kahit nakatalikod sila sa camera, mababakas na may kargang baby ang popular TV host at producer.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa isa pang post, makikita ang mga maliliit na paa ng baby na hawak ng mga kamay ng adult. Pero parehong hindi kita ang kanilang mga mukha.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles