embed embed2
  • Metro Manila, Laguna, Cebu City Sasailalim Sa MECQ: Ano Ang Ibig Sabihin Nito

    Alamin ang ilang pagbabago sa bagong quarantine classification.
    by Jocelyn Valle .
Metro Manila, Laguna, Cebu City Sasailalim Sa MECQ: Ano Ang Ibig Sabihin Nito
PHOTO BY Jerome Ascano
  • Patuloy na sasailalim ang Metro Manila, Laguna, at Cebu City sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), na itinakda ng pamahalaan noong March 17, 2020 bilang pag-iingat laban sa pagkalat ng COVID-19. Ngunit may kaunting pagbabago sa mga patakaran kaya ang klasipikasyon nito ngayon ay tinatawag na Modified ECQ (MECQ), at tatakbo ito hanggang May 31.

    Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Martes, May 12, na nilagdaan ang Inter-Agency Task Force Resolution No. 35 isang araw ang nakaraan. Tinukoy dito na ang nasabing tatlong lugar ay tinuturing na high risk areas — o mataas ang panganib sa COVID-19 — kaya hindi pa maisasama sa mas maluwag na klasipikasyon ng General Community Quarantine (GCQ). 

    Ang mga lugar na may moderate risk, o katamtaman na panganib, ay nasa ilalim ng GCQ hanggang katapusan din ng Mayo.

    More from Smart Parenting

    Guidelines para sa Modified ECQ (MECQ)

    Sa ilalim ng MECQ, limitado ang paglabas ng bahay ng mga residente para sa pangunahing serbisyo at trabaho. Limitado din ang transportation services para sa essential goods at services, o mga pangunahing pangangailangan. Suspendido pa rin ang mga klase na kailangang pisikal na puntahan ng mga estudyante.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Papayagan naman ang piling manufacturing at processing plants na magbukas muli at pabalikin sa trabaho hanggang 50 porsiyento ng kanilang mga manggagawa.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Guidelines para sa General Community Quarantine (GCQ)

    Sa ilalim ng GCQ, limitado ang galaw ng mga tao sa mga takdang lugar. Limitado din ang transportation services bilang suporta lamang sa government at private operations. Ang mga opisina ng gobyerno at mga industriya ay maaaring patakbuhin hanggang 75 porsiyento ng kanilang mga manggagawa. Bibigyan ng flexible arrangements sa limitadong kapasidad ang mga estudyante.

    More from Smart Parenting

    Ang mga sumusunod na lugar ang moderate risk areas o sasailalim sa GCQ:

    • Cordillera Administrative Region (Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Baguio City)
    • Region II (Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Santiago City)
    • Region III (Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Olangapo City, at Angeles City kung mananatiling moderate risk hanggang May 14)
    • Region IV-A (Quezon, Rizal, Batangas, Lucena City, at Cavite kung mananatiling moderate risk hanggang May 14)
    • Region VII (Bohol, Negros Oriental, Siquijor, Mandaue City, Lapu-Lapu City, at Cebu province liban sa Cebu City)
    • Region IX (Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Isabela City)
    • Region XI (Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, Davao Oriental. Kabilang ang Davao City at Davao del Oro kung mananatili sa moderate risk hanggang May 14)
    • Region XIII CARAGA (Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Butuan City)
    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang low risk areas o yung tinatawag na low risk (may mababang panganib sa novel coronavirus)

    Hindi sila parte nf MECQ o ng GCQ pero meron lamang ilang alintunin na dapat sundin ang mga residente hinggil sa usaping pangkalusugan, tulad ng social distancing at pagsusuot ng face mask.

    • Region I (Ilocos Sur, kabilang ang Ilocos Norte, La Union, Pangasinan, at Dagupan City kung magpapatuloy silang low risk hanggang May 14.)
    • Region IV-B (Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Palawan, Puerto Prinsesa City)
    • Region V (Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon, Naga City. Kasama ang Albay at Legazpi City kung magpapatuloy silang low risk hanggang May 14.)
    • Region VI (Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Iloilo City, Bacolod City)
    • Region VIII (Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Western Samar, Southern Leyte, Ormoc City, Tacloban City)
    • Region X (Bukidnon, Camiguin, Lanao de Norte, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Cagayan de Oro City)
    • Region XII (North Cotabato, South Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, General Santos City)
    • BARMM (Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, Cotobato City) 
    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles