
PHOTO BY Instagram/Rabiya Mateo

Trending in Summit Network
Nang manalo bilang Miss Universe Philippines ang 23-anyos na si Rabiya Mateo, tubong Iloilo City, ang kanyang ina ang unang-unang niyang binalitaan.
Mag-isa siyang itinaguyod nito, matapos hindi na sila muling magkaroon ng balita sa kanyang ama na nagpunta sa Chicago noong limang taong gulang pa lang si Rabiya.
Iniaalay ni Rabiya ang kanyang pagkapanalo sa kanyang ina at sa kanyang lola—"ang dalawang pinakamalalakas na babaeng kilala niya."
"Both were single mothers but were able to raise their children full of dreams and aspiration in life," pahayag niya.
Gayon pa man, umaasa pa rin ang dalaga na balang araw ay mahahanap niya ang kanyang ama. Ang paglaki nang walang kinagisnang tatay ang isa sa mga hamong pinagdadaanan niya sa buhay, ayon sa kanya.
Sa pamamagitan ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho ay ikinwento niya kung paano niya sinubukang hanapin ang kanyang ama.
"I tried my best to look for him pero wala po talaga eh. Pero hindi ko alam. Ramdam ko kasi na deep down in my heart na one of these days magkikita kami ni daddy," sabi niya.
Kwento ni Rabiya, noong siya'y nasa kolehiyo pa lang, nagpapadala siya ng mensahe sa mga taong ang apelyido ay Hashmi at nakatira sa Chicago.
"My dad's name po is Syed Mohammed Abdullah Moqueet Irfan Hashmi and alam ko po 'yung birthday niya is May 22," pahayag ng dalaga.
"The last time I heard is he's in Chicago with his family. Kasama niya ang mother niya, ang dad niya, 'yung dalawa niyang sibling, si Tito Rizmon and si Tito Imran," dagdag pa niya.
Sabi niya, malaki ang pasasalamat niya na nanalo siya sa Miss Universe Pageant dahil maaari itong maging daan para makita niyang muli ang kanyang ama.
"Sabi ko thank you talaga Lord kasi binigay mo 'to sa akin, kasi hindi lang mai-improve ang life ng family ko sa Iloilo, pero pati chance ko na rin 'to para ma-reconnect sa biological dad ko."
Nagbabakasakali siyang ang pagkapanalo niya at ang paglabas niya sa GMA program na KMJS ang maging daan para makita siya ng kanyang ama.
Ayon sa nanay ni Rabiya, American citizen na may Indian heritage ang ama ng beauty queen. Kinailangan daw nitong pumunta sa U.S. para kumuha ng licensure exam ngunit hindi na ito bumalik.
Dati rin daw itong nagpapadala ng sustento sa mag-ina ngunit isang araw ay bigla na lang itong tumigil.
"Gusto ko lang po talagang malaman kung my daddy is okay," sabi ni Rabiya.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Step 1:
Open the email in your inbox.
Step 2:
Click on the link in the email.
Step 3:
Continue to reset your password on Smartparenting.com.ph.