-
'Okay Naman, Pero,' Moms Weigh In On Bill Seeking P2K Monthly Wage For SAHMs
Isinusulong na mabigyan ng P2,000 kada buwan na sahod ang mga stay-at-home moms o SAHMs, pero ano ba talaga ang kailangan nila?by Judy Santiago Aladin . Published Aug 3, 2022
- Shares
- Comments

Sa pangalawang pagkakataon, inihain ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang House Bill 688 o Housewives Compensation Act, na naglalayon na mabigyan ng karampatang sweldo ang mga stay-at-home moms (SAHM) na mula sa mahihirap na pamilya. Una niya itong ipinanukala noong 2019.
Ayon sa report ng Inquirer, saklaw nito ang mga nanay na walang trabaho, maging part-time man ito o home-based work, at kabilang sa requirements na itatalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siya ring maglalabas ng pondo para dito.
"Stay-at-home mothers refers to women who, regardless of civil status, perform the work at home of a full-time mother, and do not have part-time nor home-based work that is compensated or any income generating activity," paliwanag ni Salceda.
"Sadly, these works are not considered productive. Our society considers stay-at-home mothers to be ‘doing nothing’ because they do not go out to work at a paid job like the husbands. Every work of a housewife can be considered ‘social reproductive work’, but most could not see this," dagdag pa ng ekonomista.
Ang kailangan ng mga SAHMs, ayon sa mga SAHMs
Sa Smart Parenting Village, usap-usapan ulit ang panukalang na ito. May humanga sa intensyon na kilalanin ang hirap na dinaranas ng mga nanay, at marami rin ang tutol dito, dahil baka imbis na makatulong ay pagmulan pa ng korapsyon o mag-tolerate pa ng bisyo.
Trabaho, walang diskriminasyon
Ayon kay Mommy Mary Zayra Elec-Beltran na isang stay-at-home mom at may isang anak, hindi siya sang-ayon dito. "Sana ang gawin na lang, tanggalin na lang yung mga age requirements sa mga work para pag lumaki na yung mga anak e may mga work pa rin na mapapasukan [ang mga nanay]. Sana din, tanggapin pa din yung mga nag-aapply na nabakante ng matagal kase may mga companies na di tumatanggap ng ganyan."
READ ALSO: Balak Bumalik Sa Trabaho? LinkedIn Introduces Job Titles Like 'Stay-at-Home Mom' 'Homemaker'
Trainings, suporta
Para naman kay full-time mommy Sarah May Tanhuanco na kabilang sa Smart Parenting Mom Squad, "Since the bill proposed ay para sa SAHMs below the poverty line, I think the SAHM moms will be grateful at least may pandagdag sa gastusin especially now, ang taas ng mga bilihin, makakatulong talaga sa household yun."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPero para sa kanya, may iba pang mas pwedeng paglaanan ng budget ang gobyerno, gaya nang trainings at livelihood programs.
"Also, the most important is the support of the family, government, and the community. Being a SAHM is hard work, so better na-appreciate din sila."
Day care center, katuwang sa pag-alaga sa bata
Giit naman ng ibang mga nanay, isang band-aid solution na naman ito. Mas maganda raw na alamin muna mula sa mga stay-at-home moms kung ano ang pangangailangan nila, trabaho man ito o karagdagang suporta kagaya ng maayos na daycare center o mas maraming home-based jobs.
Makabubuti rin kung mas palawigiin ang health benefits na pwedeng makuha ng mga magulang, lalo na para sa kanilang mental health.
READ ALSO: 'Hindi Ako Pwedeng Maging Housewife,' Bangs Garcia Opens Up About PPD
Ang ibang nanay, isa lang ang gusto: pahinga.
'Pag-isipang mabuti'
Ayon naman sa isang nanay na may background sa development work, maganda naman ang intensyon ng bill na ito, ngunit kailangang pag-isipan mabuti kung paano ito ipatutupad.
CONTINUE READING BELOWwatch nowAyon sa kanya, baka maging duplicate ito sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at sa Targeted Cash Transfers na para rin sa mga mahihirap na pamilya. Posible rin daw itong maging sanhi pa ito ng pagrami ng adolescent mothers dahil mabibigyan ng incentive ang mga nanay.
Dagdag pa niya, "And of course, we need safeguards in place to ensure that the cash transfers go directly to the intended beneficiaries."
Punto naman ng isang nanay, kailangang bisitahin muli ang panukala. "Paano naman ang mga stay-at-home dads?"
Maliban sa ayuda, malaking bagay ang mabigyang pansin ang halaga ng mga tagapangalaga ng mga bata sa kanilang tahanan - maging nanay o tatay man.
Dahil kung ikukuwenta ang halaga ng oras at pagod na nilalaan ng isang magulang para sa kaniyang pamilya, mababaon sa utang ang gobyerno, dahil hindi ito matutumbasan ng kahit anumang halaga.
What other parents are reading

- Shares
- Comments