embed embed2
  • Dahil Bawal Lumabas, Nagpagawa Ng 'In-House Park' Si Paolo Contis Para Kay Summer

    Ginawan na lang ng Paraan ni Paolo na 'makalabas' sa park ang kanyang pamilya.
    by Ana Gonzales .
Dahil Bawal Lumabas, Nagpagawa Ng 'In-House Park' Si Paolo Contis Para Kay Summer
PHOTO BY YouTube/Paolo Contis
  • Maraming nawala sa atin dahil sa COVID-19 pandemic—hindi lang ang ating mga mahal sa buhay, kundi pati na rin ang mga simpleng bagay tulad ng paglabas ng bahay.

    Kaya naman maraming mga mommies at daddies sa ating online community ang nag-DIY ng mga paraan para mag-enjoy pa rin ang mga bata kahit nasa bahay lang sila. Isa na riyan ang celebrity dad na si Paolo Contis.

    Sa pinakahuling vlog niya, ibinahagi niya ang isang special surprise para sa kanyang anak na si Summer.

    "Naisip ko, kung si Summer ay hindi makapunta sa park, might as well bring the park inside our home," kwento ni Paolo. "This is my project for her this Christmas."

    Kumpleto ang park ng slides, swing, hammock, sea-saw, at playhouse. "Marami pang space para paglagyan ng iba pang laruan, pero for now, ito muna," sabi ni Paolo.

    Sa Smart Toys nabili ni Paolo ang isinama niyang indoor playground sa kanilang in-house park.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Samantala, sa Bambina Ph naman niya nabili ang kanilang Mi Casa Playhouse. "Para ma-feel pa rin ni Summer na may playground siya."

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    "Ito 'yung mga dati pang toys ni Summer. Nasa taas, nilagay na lang namin [dito] sa baba—to create more space [and] at the same time, mas makalaro siya dito," kwento ni Paolo.

    May artificial grass din ang playground ni Summer. "Nilagay ko talaga 'to para syempre kahit papaano kapag nadapa, hindi semento 'yung babagsakan niya."

    Sa nauna kasing vlog ni Paolo, makikitang nadapa at nasugatan si Summer habang naglalaro sa garahe nila.

    Ano naman kayang naging reaksyon ni Summer sa surprise ni daddy?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede mong panoorin ang kabuuan ng kanilang YouTube video dito:

    May mga DIY projects ka rin ba para sa mga anak mo ngayong may pandemic? I-share mo na Iyan sa aming comments section o ipadala sa aming email address: smartparentingsubmissions@gmail.com.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa iba pang kwentong nakaka-good vibes.

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close