embed embed2
  • Nanganak Na Si Nicole Donesa Sa Panganay Nila Ni Mark Herras

    Corky ang nickname ng kanilang baby boy.
    by Jocelyn Valle .
  • Nanganak na si Nicole Donesa sa panganay nila ng fiancé at kapwa GMA-7 artist na si Mark Herras nitong January 31, 2021. 

    Kinaumagahan, ibinahagi ng aktor ang magandang balita sa kanyang social media accounts kalakip ang litrato ng kanyang mag-ina na kuha sa delivery room.

    Ipinakilala ni Mark ang baby boy bilang si Mark Fernando Donesa Herras, na may timbang na 7.3 pounds at haba na 53 cm nang isilang. Corky naman ang nickname ng sanggol.

    Saad pa sa caption, “Hi, I’m Corky [baby emojis] Wasssap!!! Very good job, Mammeeeh!!! [cute emojis]”

    Bumuhos ang pagbati para sa engaged couple mula sa kanilang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz. Komento ng kapwa nila Kapuso artist na si Rochelle Pangilinan, “Napakagwapo naman ng Baby Herras na ’yan!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Noong September 2020, inanunsiyo ng engaged couple ang pagbubuntis ni Nicole sa YouTube channel ni Mark. Tinatawag na nilang Corky ang kanilang unang supling.

    Paliwanag ni Nicole, hango ang mga letrang C-O sa kanyang nickname na Ico. Ang mga letrang R-K ay galing sa pangalan ni Mark. Mula naman ang huling letra na Y sa salitang baby.

    Kuwento pa ni Mark sa kanyang vlog, “Since day one, up to now, ako po ’yung pinaglilihian ni Ico. So huwag kayo magulat kapag lumabas ’yung anak namin, and ako ’yung kamukha.”

    Naganap ang engagement nina Mark at Nicole noong June 5, 2020, o halos isang taon pagkatapos nilang aminin sa publiko ang kanilang relasyon.

    Naging malapit sila sa isa’t-isa nang magkatrabaho sa Bihag, ang drama series na tumakbo sa GMA-7 mula April hanggang August 2019.

    Si Baby Corky ang ikalawang anak ni Mark. Mayroon 7-year-old daughter ang aktor, Ada ang pangalan, sa dating personal assistant na si Dianne Evangelista.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles