embed embed2
  • Nasawi Ang Isang 12-Year-Old Dahil Sa Severe Lice Infestation

    Nahaharap sa mga kasong murder at child cruelty ang kanyang mga magulang.
    by Jocelyn Valle .
Nasawi Ang Isang 12-Year-Old Dahil Sa Severe Lice Infestation
PHOTO BY Unsplash
  • Pumanaw ang isang 12-year-old girl sa U.S. state na Georgia dahil sa pinaghihinalaang severe lice infestation na marahil ilang taon nang nagaganap sa kanilang bahay. Dahil dito, nahaharap sa mga kasong second-degree murder at second-degree child cruelty ang kanyang mga magulang.

    MUST READ STORIES ON LICE OR KUTO

    Ayon sa testimonya sa korte ni Ryan Hilton, isang special agent ng Georgia Bureau of Investigation (GBI), ipinapakita sa medical records na nakaranas ang batang si Kaitlyn Yozviak ng cardiac arrest at severe anemia bago tuluyang bawian ng buhay nitong August 26, 2020. 

    Nasubaybayan ng WMAZ-TV station sa Georgia ang kuwento ni Kaitlyn at naibalita naman sa international media tulad ng Associated Press at People.

    Sinabi ni Hilton na ang kaso ni Kaitlyn ang pinakagrabeng lice infestation na nahawakan ng GBI, at maaaring tatlong taon nang pabalik-balik ang problema. Kaya naman naniniwala siyang ang paulit-ulit na pagkagat ng mga kuto sa nasawing bata ang nagpababa ng blood iron levels nito at nagdulot ng anemia, na siya namang nauwi sa heart attack.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang ang kuto?

    Ang mga lice o kuto, ayon sa Mayo Clinic, ay parasitic insects na sumisipsip ng dugo ng tao. May tatlong uri ng ganitong insekto: head lice, body lice, at pubic lice. Dito sa Pilipinas, pinakapamilyar ang head lice o kuto sa ulo dahil madalas umatake ito sa mga bata. Ang body lice ay hindi nalalayo sa mga surot na maaaring tumira sa hindi nalilinisang silya, kama, at kumot. Mga adult naman ang dinadapuan ng pubic lice sa maseselang parte na katawan na may buhok. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagpahayag ang GBI special agent sa naunang panayam niya sa press na malamang nagdusa si Kaitlyn ng “excessive physical pain due to medical negligence,” pero hindi pa lumalabas hanggang ngayon ang kumpletong autopsy report. 

    Batay sa media reports, nakatanggap ng emergency call ang mga otoridad mula sa tirahan nila Kaitlyn noong August 26. Nakausap ng 911 dispatcher ang ina ng bata na si Mary Katherine “Katie” Horton, na nagsabing walang malay (unresponsive) si Kaitlyn. Kaagad sumugod ang paramedics para sunduin si Kaitlyn at dalhin sa malapit na ospital ng Navicent Medical Center. Ngunit huli na ang lahat para sa bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilang taon na child abuse at cruelty

    Inalala ng mga imbestigador sa kaso ni Kaitlyn na napakadumi at nangangailangan ng kumpuni ang tirahan nang puntahan nila ito. Nagkalat din daw ang vermin (parasitic worms or insects) sa kama, iba pang muebles, at stuffed toys sa kuwarto ng bata.

    Ikinuwento ng mga kapitbahay na halos dalawang buwan nilang hindi napagkikita si Kaitlyn na naglalaro sa labas bago ito pumanaw. Nagulat naman sa balita at nagdadalamhati ang mga teacher ni Kaitlyn sa Clifton Ridge Middle School sa Ivey town ng Georgia. Ang sabi pa ng isa sa kanila sa TV interview na “very sweet, sweet girl” ang bata at napakagalang.

    Sa isang statement na ipinadala sa TV station, nagpahayag ng kalungkutan ang maternal grandmother ni Kaitlyn sa sinapit ng paslit. Pinuna ng lola na si Anna Horton ang pagkukulang ng mga otoridad sa pagbibigay pansin at aksyon sa kapakanan ng kanyang apo. Sana daw naibigay sa kanya ang custody nang napalaki niya ito nang maayos. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makikita kasi sa records ng Georgia Division of Family and Children Services (DFCS) na may mga kaso na ng kapabayaan ang mga magulang na sina Katie Horton at Joey Yozviak. Nauna nang inihiwalay sa kanila ang dalawang kapatid ni Kaitlyn at ibinigay sa kanilang lola dahil sa unsanitary conditions sa bahay ng mag-asawa. 

    Sa panahon ng kapanganakan ni Kaitlyn noong 2008, nakatakda sana siyang ipaampon ng kanyang mga magulang pero biglang nagbago ang isip nila Katie at Joey.

    Pagkalipas ng 10 years, nakatanggap ng mga reklamo ang otoridad laban sa mag-asawa dahil napakarumi at mapanganib daw sa kanilang poder. Pinamamahayan diumano ito ng mga insekto at hindi naaalagaang mga pusa.

    MUST READ STORIES ON LICE OR KUTO

    Sampung taon noon si Kaitlyn. Inilipat siya sa pangangalaga ng isang tiyahin, pero bumalik din sa bahay ng kanyang mga magulang pagkaraan ng anim na araw. Sa bagong kaso nila Katie at Joey, hindi na babalik kailanman pa si Kaitlyn. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles