embed embed2
  • Nauwi Sa Trahedya Ang Masaya Sanang Baby Shower Dahil Sa Party Cannon

    Masaya at entertaining ang mga sumasabog na confetti pero kung kanyon?
    by Jocelyn Valle .
Nauwi Sa Trahedya Ang Masaya Sanang Baby Shower Dahil Sa Party Cannon
PHOTO BY Shutterstock
  • Nauwi sa trahedya ang dapat sana ay masayang baby shower na pinaghandaan nitong February 6, 2021 ng mag-asawang nakatira sa U.S. state na Michigan.

    Sa kanilang bakuran na natatabuan ng snow, nagsabit ang hindi pinangalanang mag-asawa ng mga lobo at isang chalkboard, kung saan simpleng nakasulat ang mga salitang “baby shower.”

    Pagkatapos, sinindihan nila ang maliit na kanyon bilang celebratory cannon para sa enjoyment ng piling-pili nilang mga bisita. Pero imbes na lumikha lamang ang kanyon ng malakas na tunog, pagsiklab, at pag-usok, sumabog pa ito.

    Hindi pang-party na kanyon 

    Pira-pirasong kumalat ang sumabog na kanyon sa paligid bilang sharpnels. Umabot ang mga iyon hanggang 25 feet ang layo mula sa pinaglagyan ng kanyon. Tinamaan ng shrapnel ang isa sa apat o limang mga bisita na magkakalayo ang puwesto.

    Kinilala ang biktima bilang si Evan Thomas Silva sa news reports, tulad ng The Washington Post. Si Evan, 26 years old, ay kaibigan ng mag-asawang nag-organisa ng baby shower. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaagad dinala si Evan sa ospital para magamot ang pinsalang natamo ng kanyang dibdib. Pero hindi na siya naka-recover at tuluyan pumanaw.

    Ayon sa imbestigasyon ng pulisya sa Michigan, ang kanyon na ginamit ay parehas sa signal cannon. Nabili daw ito ng mag-asawang naghanda ng baby shower sa isang auction at makailang beses nang ginamit bago pa ang okasyon. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang ganyang uri ng device, sabi ni Michigan State Police Lt. Liz Rich sa TV newscast ng ABC 12, maaaring masira ang cast material kung hindi regular ang inspection. Tinitignan din daw nila ang posibilidad na ang gun powder na inilagay sa kanyon ang dahilan kung bakit sumabog ito.

    Kapag daw kasi maling klase o dami ng gunpowder ang iniligay sa open-ended cannon, maaari itong maging bomba. Iyan ang paliwanag ng isang gun shop owner sa parehong TV report.

    Trahedya dahil sa baby shower 

    Ang pagkamatay ni Evan ay hindi unang trahedya na may kinalaman sa mga okasyong baby shower o di kaya gender reveal party sa U.S.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Noong 2019, nasawi ang isang lola sa Iowa nang matamaan ng shrapnel ng pipe bomb. Ginamit ang pipe bomb para sana magkaroon ng blue-or-pink flash kasabay ng gender reveal.

    Noon namang 2020, smoke bomb ang ginamit sa kaparis na layunin sa California, kaya nagkasunog. 

    Payo ng mga awtoridad na pag-isipang mabuti ang “stunt” na gagawin o bagay na gagamitin para makamit ang kakaibang baby shower o gender reveal party.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles