embed embed2
  • 6 Na Bagay Na Dapat Tandaan Ng Mga Magulang Tungkol Sa Community Quarantine

    Lahat ng mga hakbang na ito ay naglalayong mapigilan ang pagkalat pa ng coronavirus sa bansa.
    by Lei Dimarucut-Sison .
6 Na Bagay Na Dapat Tandaan Ng Mga Magulang Tungkol Sa Community Quarantine
PHOTO BY @onlyyouqj/iStock
  • Sa gitna ng panganib na dala ng coronavirus sa Pilipinas, nagbigay ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, Marso 12, 2020, tungkol sa mga kailangan nating gawin para mapigilan ang patuloy na pagkalat nito. Dito rin sinabi na nasa Code Red Sublevel 2 na ang coronavirus sa bansa.

    Kasunod nito ay naglabas din ng guidelines si Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesperson Salvador S. Panelo para palakasin ang naunang pahayag ng Pangulo. 

    Mula sa guidelines na ito, nais naming bigyang-diin ang ilang puntos na kailangan nating tandaan bilang mga magulang:

    1. Suspendido ang mga klase nang isang buwan.

    Ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Metro Manila ay pinalawig na hanggang April 12, 2020, kasabay ng paalala sa mga estudyante na manatili sa kanilang mga bahay sa panahong ito.

    Ang "Manila" at "Metro Manila" ay magkaiba. Ang Metro Manila ay binubuo ng 16 na siyudad — Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, Quezon City, San Juan, Taguig, at Valenzuela — at isang munisipalidad, ang Pateros. Ang Manila ay isa lamang sa mga siyudad sa ilalim ng Metro Manila. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang Metro Manila din ang tinutukoy kapag sinabing National Capital Region, o NCR. 

    2. Patuloy ang byahe ng mga tren.

    Magpapatuloy ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan gaya ng Light Rail Transit, Metro Rail Transit at Philippine National Railway, alinsunod sa mga gabay mula sa Department of Transportation na naglalayong siguruhin ang social distancing.

    More from Smart Parenting

    3. Wala munang domestic travel.

    Ang mga byahe sa lupa, sa lokal na himpapawid, at lokal na karagatan papasok at palabas ng Metro Manila ay suspendido mula March 15, 2020 hanggang April 14, 2020.

    Samakatuwid, hindi ka maaring bumiyahe papuntang Metro Manila kahit ikaw ay galing lang ng Laguna, Cavite, Batangas, o alin pa mang lalawigan, maliban kung sa Metro Manila ang lugar ng iyong trabaho. 

    Ayon kay DILG chief Eduardo Año sa panayam ng ABS-CBN, maari ka pa ring pumasok ng Metro Manila sa pamamagitan ng pagprisinta ng katunayan gaya ng iyong company ID sa mga checkpoint.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    4. Patuloy ang trabaho sa pribadong sektor.

    Lahat ng manufacturing, retail at service establishment ay mananatiling bukas sa panahong ito, habang mahigpit pa ding susundin ang social distancing.

    Hinihikayat ang pribadong sektor na ipatupad ang flexible work arrangement, alinsunod sa mga gabay galing sa Department of Labor and Employment at sa Department of Trade and Industry na naglalayong pangalagaan ang kapakanan ng mga trabahador.

    More from Smart Parenting

    5. Mahigpit na babantayan ang mga byahe mula sa ibang bansa. 

    Ipapatupad ang entry travel restrictions para sa mga bibiyahe mula sa mga bansa kung saan may local COVID-19 transmission, maliban sa mga Filipino citizen at ang kanilang foreign spouse at mga anak, ang mga may permanent resident visa, at mga may hawak ng diplomatic visa na ipinagkaloob ng Philippine Government.

    6. Bawal muna ang mga pagtitipon. 

    Ang mga pagtitipon, o anumang kaganapan kung saan ang komunidad ay maaring mahirapang rumesponde dahil sa dami ng bilang ng mga dadalo, ay ipinagbabawal sa nasabing panahon.

    More from Smart Parenting

    Narito ang kabuuan ng dokumento na aming isinalin sa Filipino:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    NCR Community Quarantine

    Nais ipahatid ng Palasyo na naipaalam na kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng ating health officials ang desisyon na iangat ang antas ng Code Alert System para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa sa Code Red Sublevel 2.

    Kasunod ng mga pakikipag-uusap sa health officials at mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), nagdesisyon ang Chief Executive na aprubahan ang pagpapatupad ng Stringent Social Distancing Measures sa National Capital Region (NCR) sa loob ng tatlumpung (30) araw, simula March 15, 2020, na nabubuod sa mga sumusunod.

    Una, ang pagsuspinde sa klase sa lahat ng antas sa Metro Manila ay pinalawig na hanggang April 12, 2020, kasabay ng paalala sa mga estudyante na manatili sa kanilang mga bahay sa panahong ito. 

    Pangalawa, ang mga pagtitipon, o anumang kaganapan kung saan ang komunidad ay maaring mahirapang rumesponde dahil sa dami ng bilang ng mga dadalo, ay ipinagbabawal sa nasabing panahon. 

    Ikatlo, ang community quarantine ay ipapatupad sa buong Metro Manila. Pinapayuhan ang mga Local Government Units (LGUs) sa ibang lugar na sundin ang mga sumusunod na gabay:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    - Ipinapayo ang barangay-wide quarantine kapag mayroon kahit dalawa (2) lang na positibong kaso ng COVID-19 mula sa magkaibang tahanan na nasa ilalim ng isang barangay;

    - Ipinapayo ang municipality/city-wide quarantine kapag mayroon kahit dalawa (2) lang na positibong kaso ng COVID-19 sa magkaibang barangay na nasa ilalim ng isang municipality/city;

    - Ipinapayo ang province-wide quarantine kapag mayroon kahit dalawa (2) lang na positibong kaso ng COVID-19 mula sa magkaibang municipalities, component cities, o independent component cities sa ilalim ng isang province; at 

    - Maaaring gamitin ng mga LGU na magpapatupad ng community quarantine sa kanilang lugar, kasunod ng deklarasyon ng State of Calamity, ang kanilang QUick Response Fund. 

    Ikaapat, suspendido ang opisina sa Executive Branch sa panahong ito nang walang pagkiling sa pagbuo ng skeletal workforce ng mga ahensya ng gobyerno. Hinihikayat ang Congress at Judiciary na sundin rin ang kaparehong policy. Ang mga law enforcement agency, kasama na ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, pati na ang health at emergency frontline services ay patuloy ang gawain.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ikalima, hinihikayat ang pribadong sektor na ipatupad ang flexible work arrangement, alinsunod sa mga gabay galing sa Department of Labor and Employment at sa Department of Trade and Industry na naglalayong pangalagaan ang kapakanan ng mga trabahador. Lahat ng manufacturing, retail at service establishment ay mananatiling bukas sa panahong ito, habang mahigpit pa ding susundin ang social distancing.

    Ika-anim, magpapatuloy ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan gaya ng Light Rail Transit, Metro Rail Transit at Philippine National Railway, alinsunod sa mga gabay mula sa Department of Transportation na naglalayong siguruhin ang social distancing.

    Ika-pito, ang mga byahe sa lupa, sa lokal na himpapawid, at lokal na karagatan papunta at paalis ng Metro Manila ay suspendido hanggang April 14, 2020.

    Ang lahat ng mga hakbang na ito ay patuloy na babantayan at susuriin ng IATF.

    Ang mga LGU sa labas ng National Capital Region ay pinapayuhang maging maingat sa pagsuspinde ng mga klase sa kanilang kinasasakupan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Gayundin, inaprubahan ng Pangulo na ang Balik-Manggagawa Overseas Filipino Workers ay maaring bumyahe pabalik ng mainland China maliban sa Hubei Province, at sa kundisyong gagawa sila ng kasulatan na nagsasabing batid nila ang mga panganib na maaring idulot ng kanilang pagbyahe. Bibigyan din sila ng kopya ng health advisory pamphlet sa kanilang pag-alis.

    Panghuli, ipapatupad ang entry travel restrictions para sa mga bibiyahe mula sa mga bansa kung saan may local COVID-19 transmission, maliban sa mga Filipino citizen at ang kanilang foreign spouse at mga anak, ang mga may permanent resident visa, at mga may hawak ng diplomatic visa na ipinagkaloob ng Philippine Government.

    Bilang paglilinaw, at para maibsan ang pag-aalala at pag-aalinlangan ng lahat, ito ay isang panawagan ng gobyerno para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng preventive measures para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Bagamat isang mabisang preventive measure ang total at absolute lockdown, hindi pa kinakailangan ang ganito kalawak na solusyon sa kasalukuyang sitwasyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nananatiling matatag ang Duterte Administration sa paglaban sa sakit na ito, at hinihingi ng Palasyo sa mga apektado ang kanilang kooperasyon at pagsunod sa mga nasabing hakbang.

    Salvador S. Panelo

    Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson

    More from Smart Parenting

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles