;
embed embed2
  • Neri At Chito Miranda Ipinakilala Ang Bagong Miyembro Ng Pamilya: 'Pia Is Our Daughter'

    Kinumpirma ni Chito na nasa proseso na sila nang pag-ampon kay Pia.
    by Angela Baylon .
Neri At Chito Miranda Ipinakilala Ang Bagong Miyembro Ng Pamilya: 'Pia Is Our Daughter'
PHOTO BY (from left) instagram/chitomirandajr, instagram/mrsnerimiranda
  • Kasabay ng pag-alala ni Neri Naig sa ika-7 na wedding anniversary nila ni Chito Miranda, isang family photo ang kaniyang i-pinost sa Instagram noong December 13, 2021. Sa retrato kasama ng pamilya ang isang karagdagang miyembro na si Pia.

    'Pia is our daughter'

    Marami sa netizens ang nagtaka kung sino ang batang babae sa family photo kasama ang dalawang anak nila Neri at Chito na sina Miggy at baby Cash. Ilan ang naghayag ng kanilang espekulasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng bata. Hindi ito ikinatuwa ni Neri dahil sa aniya'y naging panghuhusga at paggawa ng kuwento ng iba tungkol sa bata.

    Upang matuldukan ang mga haka-haka, nag-iwan si ng komento sa parehong post upang sagutin ang tanong ng mga netizens. Dito na niya sinabi na ang batang babae ay si Pia na kanilang "anak" at kikilalaning ate nila Miggy at Cash.

    Paliwanag ni Neri sa mga "Maritess," o ang tawag ngayon sa mga tsismosa, "Pia is our daughter. Every child deserves a home and love. Period. Ok na? Gets na yan? Grabe ang pagiging tsismosa ng ibang tao. Nahusgahan at nagawan na ng mga kwento."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gayundin, kinumpirma ni Chito sa kaniyang sariling Instagram account na nasa proseso na sila ng pag-ampon kay Pia upang "opisyal" na siyang maging Miranda.

    "She will soon be as we are in the process of making her ours, officially," sagot ng bokalista sa isang commenter.

    Hindi pa man opisyal sa papel, proud si Chito na ibahagi na parte ng pamilya si Pia. "Cheers from The Mirandas!," pagsambit niya sa kaniyang family appreciation post kung saan kasama rin si Pia.

    "I just love having a family. Sobrang enjoy lang. Para kang may permanent barkada na kapakanan at kaligayahan lang nila ang priority mo. It makes everything in life so simple," ani ng proud family man.

    Nang may magtanong sa comment section kung sino ang batang babae na kasama sa retrato, simple ang sagot ni Chito: "Anak namin."
    PHOTO BY instagram/chitomirandajr

    Hindi ito ang unang beses na nakita si Pia sa mga larawan ng Miranda family lalo sa Instagram account ni Neri. Makikita rin si Pia na kumumpleto sa Squid Game costume concept ng pamilya noong Halloween.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kung mayroong mga komento na hindi kanais-nais may ilang netizen rin ang nagsabi na hindi na dapat busisiin ang nakaraan ni Pia dahil mas mahalaga na ngayon ay nasa pangangalaga na siya ng isang mapagmahal na pamilya.

    PHOTO BY instagram/mrsnerimiranda

    Paano ang proseso ng pag-ampon sa Pilipinas?

    Sa ilalim ng batas, dalawa ang klase ng adoption sa Pilipinas. Ang isa ay sa pamamagitan ng licensed adoption agency kung saan ang batang nasa kustodiya ng DSWD at mga ahensya nito ay hinahanapan ng adoptive families.

    Ang isa naman ay ang "relative adoption" kung saan ibinibigay ng mga magulang ang pangangalaga sa kanilang anak sa kamag-anak na pasok hanggang sa 4th degree of consanguinity.

    Mabusisi ang aplikasyon ng adoption. Kung nais mag-ampon, kailangan munang dumalo ng mga Prospective Adoptive Parents (PAPs) sa adoption seminar ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

    Kinakailangan rin na magsumite ng PAPs nang hindi bababa sa 13 na dokumento para maipagpatuloy ang proseso. (Tingnan dito ang buong listahan ng mga kinakailangang dokumento)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Noong 2019, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11222 o Simulated Birth Rectification Act na naglalayong mapabilis ang proseso ng adoption sa Pilipinas. Isa sa mga mahalagang probisyon dito ang pagbibigay ng amnestiya sa mga hindi idinaan sa legal na paraan ang pagkupkop sa isang bata. 

    Maaaring bisitahin ang website ng DSWD dito para sa buong iba pang detalye tungkol sa adoption. Hinihikayat din ng ahensya ang mga nais mag-ampon na diretsong sumangguni sa kanila mas malinaw na maipaliwanag ang mga depende sa kanilang sitwasyon.

    Basahin dito ang adoption story nila LJ at Jimmy Alapag.

    What other parents are reading


  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles