Tagalog,covid-19,con-00062,hard news,Madali Bang Kumalat Sa Mga Bata Ang Bagong Coronavirus Variant?,COVID-19, COVID new variant, UK variant, coronavirus mutation, coronavirus new variant,Lumabas sa pag-aaral: 'Young children were about half as likely as adults to transmit the variant to others.'
LifeNews

Mas Madali Nga Bang Kumalat Sa Mga Bata Ang Bagong Coronavirus Variant?

Suspendido pa rin ang face-to-face classes sa Pilipinas dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.
ILLUSTRATIONShutterstock/Imilian

Nitong Wednesday, January 13, 2021, kinumpirma ng Department of Health (DOH) na narito na sa Pilipinas ang new variant ng coronavirus na sanhi ng COVID-19. Natukoy ito sa isang Pinoy na biyahero galing United Arab Emirates (UAE) noong January 7. 

Unang nadiskubre ang bagong variant sa United Kingdom. Sinasabing mas nakakahawa ito kumpara sa virus na unang kumalat mula China. Nakarating na rin ang new variant sa marami pang bansa.

Ayon sa ulat ng The New York Times, nagsagawa kamakailan ng research ang Public Health England (PHE) base sa detailed contract-tracing ng 20,000 katao na dinapuan ng new variant, kabilang ang 3,000 kabataan edad 9 pababa. 

Lumabas sa pag-aaral: "Young children were about half as likely as adults to transmit the variant to others." Totoo din ito para sa unang iteration ng virus.

Haka-haka lamang sa ngayon ang balita na higit na ikinakalat ng mga bata ang variant na ito.

Ngunit ang pagkakaiba, ayon sa sa PHE research, mas madaling kumakalat ang bagong variant sa mga bata, tulad ng sa mga matatanda.

Tinatayang mula 30% hanggang 50% na mas nakakahawa ang ito kumpara sa mga naunang COVID variants. Kaya inaasahang malaki ang dalang perwisyo nito.

Kaya naghigpit muli sa UK sa pagsunod sa health at safety protocols, tulad ng pagpapatupad ng remote learning sa mga eskuwelahan hanggang kolehiyo. Pinahinto rin ang in-person classes sa Germany. Maaaring sumunod ang United States at iba pang mga bansa na apektado ng new variant.

Sa Pilipinas, binaligtad ni President Rodrigo Duterte ang nauna niyang desisyon na payagan ang face-to-face classes na magkakaroon sana ng pilot run ngayong January. Mananatili itong suspendido “until further notice,” pahayag ng Department of Education (DepEd) sa kanilang advisory.

Lumabas din sa PHE research na mas malaki ang posibilidad na manghawa ang mga kabataang may edad 10 hanggang 19 kumpara doon sa mas bata sa kanila. Pero hindi kasing taas ng panganib na dulot ng adults na manghawa.

Maaaring mag-iba ang scenario kapag naging aktibo ang new variant sa eskuwelahan, babala ng mga eksperto. Kaya pinaaalalahanan nila ang school administrations na ibayong pag-iingat ang pairalin kung ipagpapatuloy ang in-person classes.

watch now

Anila, subok na mabisang hakbang ang mga sumusunod:

  • Pagsusuot ng face mask para sa students at school staff
  • Siguraduhing may adequate ventilation sa eskuwelahan, kahit sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bintana
  • Pagsunod sa distansya sa bawat estudyante
  • Huwag kalilimutan ang hand hygiene
  • Paggawa ng hybrid schedules

View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close