embed embed2
Operasyon Para Sa Luslos Ng 4-Year-Old Boy Nauwi Sa Partial Vasectomy
PHOTO BY Unsplash/Markus Spiske
  • Noong August 4, 2021, sumailalim sa operasyon ang isang 4-year-old boy sa Texas Children's Hospital sa United States para sa kanyang luslos (hernia). Meron siyang inguinal hernia, ang pinaka-common na uri ng luslos sa lalaki.

    Nangyayari ang inguinal hernia, ayon sa Mayo Clinic, kapag lumuluslos o lumulusot ang bituka sa scrotum, na siya namang kinalalagyan ng testes o itlog ng lalaki. Kadalasang nirerekomenda ng mga doktor ang inguinal hernia repair, na isang surgical procedure, bilang sagot sa problema ng luslos.

    Pero ang inguinal hernia repair ng bata sa Houston city, Texas ay nauwi sa partial vasectomy, na isang male sterilization.

    Ito ngayon ang dahilan ng demanda ng pamilya ng bata laban kay Dr. Susan L. Jaroszay ng Texas Children's Hospital, ayon sa ulat ng ABC13 (KTRK-TV) station sa Houston. Ika nga, medical malpractice.

    Nagbigay ng iba pang detalye ang mga abogado ng pamilya ng bata sa isang press release. Sabi ng Houston lawyers na sina Randy Sorrels at Tom Omondi, nakaranas ang bata ng pamamaga sa kanang  bahagi (right side) ng kanyang scrotum, lalo na tuwing gabi, kaya ipinatingin siya kay Dr. Jarosz.

    Nirekomenda ni Dr. Jarosz ang right inguinal hernia repair. Pero nang inooperahan na ng doktor ang bata, ayon sa mga abogado, nagupit niya pati ang vas deferens ng bata. Ang vas deferens ang tubong tumutulong sa mga sperm para makalabas ng testes.

    Pagkatapos ng operasyon, ayon pa sa mga abogado, nagpaliwanag si Dr. Jarosz at ang risk management staff ng Texas Children's Hospital sa pamilya ng bata. Sinabi nila kung anong nangyari at kung ano ang mga posibleng epekto nito sa bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kabilang sa short-term at long-term consequences ang pagkabawas ng fertility. Ibig sabihin, maaaring mahirapan magkaanak o di kaya mabaog ang bata paglaki nito.

    Bagamat humingi ng dispensa o nagbigay ng apologies ang doktor, hindi naman niya inaako ang pagkakamali o wala siyang "full accountability." Ito ang lahad ng mga abogado.

    Problema nga raw ng pamilya ng bata kung paano ipapaliwanag ang nangyari sakaling dumating na ito sa tamang edad.

    Samantala, nagbigay ng maiksing press statement ang spokesperson ng Texas Children's Hospital. Sabi nito:"Texas Children's Hospital's top priority is the health and well-being of our patients. Due to patient privacy requirements, we are unable to comment."

    Mga dapat malaman sa luslos o hernia

    May paliwanag si Dr. Ronald John Unico, isang general practitioner, tungkol sa inguinal hernia. Ito raw ang kadalasang tinutukoy na uri ng sakit sa tuwing napagu-usapan ang hernia.

    Aniya, "Dulot ito ng paghina o pagkasira ng abdominal wall muscles. Kapag humina o nasira ang abdominal muscles, hindi nito kinakaya ang bigat ng bituka kaya lumulusot ito at pumapasok sa scrotum."

    Dagdag pa niya, "Dito nararamdaman ang bukol sa may itlog. Humihina ang abdominal wall muscle dahil sa mataas na pressure sa tiyan, injuries, o mas madalas dahil sa pagkapuwersa nito (straining) tuwing umuubo o dumudumi."

    Paalala ni Dr. Unico sa mga kalalakihan na lumalaki ang bukol o ang luslos kapag puwersado ang katawan, tulad ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay.

    Nagbigay din siya ng mga payo sakaling may nararamdaman ng luslos o di kaya makaiwas sa hernia:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    • Bawasan ang pagbubuhat ng mabibigat o ang mabibigat na gawain.
    • Iwasan ang pag-strain o puwersadong pag-ubo at pag-dumi.
    • Maaring gumamit ng hernia support belt kung maliit pa lang ang luslos. Hindi ito nakakagaling, ngunit makakatulong na bawasan ang pressure sa muscles ng tiyan.
    • Magpakonsulta sa doktor. Gawin ito kaagad lalo na kapag ang luslos ay nagdudulot na ng sakit at hindi na ito lumiliit o hindi na maibalik sa tiyan ang nakaluslos na bituka.

    Bukod sa inguinal hernia, may iba pang mga uri ng lulos, tulad ng:

    Umbilical hernia

    Mga newborn at baby na wala pang 6 months ang maaaring magkaroon nito. Nangyayari ito kapag ang intestines ay lumuwa palabas ng abdominal wall katabi ng belly button. Mapapansin ito ng magulang kapag umiiyak si baby.

    Incisional hernia

    Posibleng magkaroon nito ang mga taong sumailalim na sa opera o surgery. Umuumbok ang parte ng intestine patulak sa tiyan kung saan may surgical incision. Kaya kailangan ng isa pang surgery para maitama ito.

    Hiatal hernia

    Ang ganitong klase ng hernia ay tumutubo sa bukana ng diaphragm, kung saan ang esophagus ay katabi lang ng stomach. Kapag ang muscle dito ay humina, maaaring umumbok ang pinakataas na parte ng tiyan patulak sa diaphragm.

    Read also: Male Infertility: Causes, Diagnosis, & Treatment Options

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles