embed embed2
  • Vaccine Hesitancy: Paano Kausapin Ang Isang Taong Ayaw Magpabakuna

    Ito ang pwede mong sabihin sa mahal mo sa buhay na hindi kumbinsido sa kabutihang dulot ng bakuna.
    by Ana Gonzales .
Vaccine Hesitancy: Paano Kausapin Ang Isang Taong Ayaw Magpabakuna
PHOTO BY Shutterstock/Nattakorn_Maneerat
  • Kakulangan sa lehitimo at tamang impormasyon ang isa sa mga malimit na dahilan kung bakit nagkakaroon ng tinatawag na vaccine hesitancy.

    Ano ang vaccine hesitancy?

    Ito ang hindi agad pagtanggap sa bakuna kahit available na ito, ayon sa World Health Organization (WHO). Maaari itong maimpluwensyahan ng tatlong bagay: complacency, convenience, at confidence.

    Sa nakaraang pahayag ng Department of Health (DOH), sinabi nilang ang vaccine hesitancy ang isa sa mga dahilan ng measles outbreak sa ilang mga rehiyon sa ating bansa.

    Pakiusap pa noon ni Health Secretary Francisco Duque III, "I appeal to the public to rebuild your trust and confidence in vaccines that were long proven to be effective, and I am quite sure that all of us sometime in our lives have been recipients of these vaccines which had protected us from various diseases."

    Paano kausapin ang taong ayaw magpabakuna?

    Patuloy ang kampanya ng DOH at iba pang ahensya ng pamahalaan pati na rin ng mga pribadong sektor para magpabakuna ang mga tao laban sa COVID-19.

    Sa oras na isinulat ang article na ito, humigit-kumulang 900,000 cumulative infections na ang naitala dito sa ating bansa simula noong mag-umpisa ang pandemic noong isang taon.

    Sa kabila ng mga panawagang magpabakuna, marami pa rin ang nagsasabihing hindi sila magpapaturok.

    Ipaliwanag sa kanila ang hirap ng pagkakaroon ng COVID-19

    Paano nga ba sila kukumbinsihin? Sa panayam ng mga Summit Media journalists kay Dr. Beverly Ho ng DOH, sinabi nitong isa sa mainam na paraan ay ipaliwanag ang hirap na maaaring danasin ng isang pasyente kung tamaan ito ng COVID-19.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Hindi ito mabilisan," sabi niya. "It's going to be very costly," dagdag pa niya. "COVID-19 selectively is really harsher for elderly."

    "Your chances of dying from COVID is significantly higher for someone who is older and someone who has comorbidities," sabi pa niya.

    Pakinggan ang kanilang panig

    Nabanggit sa isang CNN Philippines report na ang vaccine hesitancy ay maaari ring nag-uugat sa takot sa isang bagay na bago pa lang.

    Kung ito ang nakikita mong dahilan sa likod ng vaccine hesitancy ng mga kaanak o mahal mo sa buhay, mainam na huwag i-invalidate ang kanilang nararamdaman at iwasan ang pakikipagtalo.

    Unti-unti mo silang ayain sa isang maayos na usapan.

    Magpakita ng mga datos

    Sabi nga ng DOH, mas malaki ang benepisyo kaysa sa risk ng pagpapabakuna. Ayon kay Dr. Ho, hindi pa alam ng mga eksperto sa ngayon ang maaaring maging long-term effects ng pagpapabakuna.

    Maaaring gumaling ka, tamaan kang muli, at magkaroon pa ng mas masamang o malalang epekto. Kaya naman mas mainam na huwag nang dapuan ng COVID-19.

    Huwag maliitin ang dahilan kung bakit ayaw nilang magpabakuna

    Sa halip, sabihin mo kung bakit naniniwala ka at pumapayag kang magpabakuna. Sa ganitong paraan, hindi mo maisasawalang bahala ang nararamdaman nila para lang patunayan ang sarili mong opinyon.

    Tandaan, mas mahihikayat mo ang isang tao kung iintindihin mo ang kanyang pinanggagalingan.

    Sa ibang bansa, unti-unti nang nagiging mas bukas ang isipan ng mga tao pagdating sa pagpapabakuna. Sa Amerika, mahigit 70% ang nagsabing papayag silang magpabakuna.

    Samantala, dito sa atin, marami pa rin ang kailangang kumbinsihin.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

     

    Kung may mga tips at techniques kang ginagamit para hikayatin ang mga mahal mo sa buhay na magpabakuna, i-share mo iyan sa comment section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Smart Parenting is now on Quento! We love it because it personalizes news and videos based on interests. Download the app here!

    Download on Android devices here

    Download on iOS devices here

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles