;
embed embed2
  • Paano Nagawang Ikulong Ng Nanay Na Ito Ang Anak Niya Sa Loob Ng Ilang Dekada?

    Natagpuan ang lalaki na maraming sugat at halos hindi na makalakad.
    by Ana Gonzales .
Paano Nagawang Ikulong Ng Nanay Na Ito Ang Anak Niya Sa Loob Ng Ilang Dekada?
PHOTO BY Shutterstock
  • Sabi nga nila, kapag magulang ka na, misyon mo na sa buhay na bigyang proteksyon ang iyong mga anak. 

    Kaya naman kataka-taka talaga ang mga sitwasyong ang mismong mga magulang ang nagdudulot ng kapahamakan sa kanilang mga anak. 

    Gaya na lamang ng nangyari sa isang lalaki sa Sweden na natagpuang puno ng sugat at halos hindi na makalakad dahil sa dalawang dekadang pagkakakulong sa kanya ng kanyang ina. 

    Ayon sa mga ulat, naaresto na ng pulisya ang nanay na siyang nagkulong sa binata.

    Sabi ng Stockholm police spokesman na si Ola Osterling, mahigit dalawampung taong nakakulong ang lalaki sa kanilang apartment sa southern Stockholm suburb. 

    Kwento ng mga kapitbahay, ni minsan ay hindi nila nakita ang lalaki sa kanilang apartment building. 

    Lumalabas naman sa pag-iimbestiga ng ilang mga pahayagan doon na 12 years old ang lalaki nang patigilin siya sa pag-aaral ng kanyang ina. 

    Doon na nagsimula ang pagkakakulong niya sa bahay. 

    Isang hindi na pinangalanang kamag-anak ang nakakita sa lalaki sa bahay nang maiwan ito dahil dinala ang nanay niya sa ospital. 

    May mga sugat sa binti ang lalaki na naimpeksyon na. Hindi rin ito masyadong makalakad at halos wala na rin siyang ngipin. 

    Bakit nga ba ikinulong ng nanay ang kanyang anak sa bahay?

    Ayon sa mga ulat, naging overprotective ang nanay matapos mamatay ang panganay nito na tatlong gulang pa lang.

    Kwento pa ng ilang kamag-anak, kinumbinsi raw ng nanay ang anak nito na lahat ng mga tao sa labas ay masasama. 

    Hindi naman daw nagkulang ang mga kamag-anak sa pagtawag sa social services ngunit walang pag-arestong naganap. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bakit nga ba walang nakapansin sa nangyayari?

    Bagaman nakakaamoy na ang mga kapitbahay ng hindi magandang amoy galing sa apartment, wala sa kanila ang nag-isip na may kakaibang nangyayari sa likod nito. 

    Ipinagtaka rin ng mga kapitbahay kung bakit hindi hinanap ng paaralan o ng social services ang bata sa hinaba-haba ng panahon. 

    Sa kabilang banda, sabi ng ilang nakatira rin sa apartment complex, mahirap talagang malaman ang nangyayari sa isang pamilya sa likod ng mga nakasarang pinto. Mahirap na rin daw makialam. 

    Mayroon ka bang alam na kakaibang kwentong tulad nito? I-share mo na iyan sa comments section. 

    Pwede ka ring magbahagi ng iyong mga kwento sa mga kapwa mo nanay. Sumali ka lang sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles