embed embed2
  • Magiging Mommy Na Si Paulina Sotto! 'I Am In The Process Of Growing A Tiny Human'

    Ang anak ni Bossing Vic ay nakatakdang manganak sa September.
    by Jocelyn Valle .
  • Buntis si Paulina Sotto sa unang pagkakataon. Ibinahagi ng visual artist, na siya ring ikaapat na anak ng ace comedian-TV host na si Vic Sotto, ang magandang balita sa kanyang Instagram account nitong March 10. Kalakip nito ang kanyang litrato na kuha sa beach at nagpapakita ng kanyang baby bump.

    Aniya sa caption, “Happy to announce that with Jed’s help, I am in the process of growing a tiny human.” 

    Ang tinutukoy na Jed ni Paulina ay ang kanyang mister na si Jed Llanes. Ikinasal sila noong January 1, 2017. Ayon sa kanyang Instagram account, si Jed ay co-founder ng Butter Putters Golf, isang golf club restoration at customization specialist. Silang mag-asawa ay meron din podcast na tinatawag nilang Kanin Konvos.

    Inanunsiyo ni Jed sa kanyang March 10 post kung kailan nakatakdang manganak si Paulina at maging ganap silang mga magulang. 

    Lahad niya sa caption, “A new chapter awaits this September 2020.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Samantala, dumagsa ang mga pagbati sa mag-asawa. Unang-una na dito ang mommy ni Paulina na si Angela Luz, na former commercial model, actress, at TV host. Si Angela at ang showbiz icon na kung tawagin din ay Bossing Vic ay dating magkatrabaho sa noontime show na Eat Bulaga! at naging magkasintahan din. 

    More from Smart Parenting

    Ibinahagi ni Angela ang mismong litrato na ginamit ni Paulina sa kanyang Instagram account. Nagbigay din siya ng pahiwatig na maaaring lalaki ang kanyang parating na apo dahil sa paggamit niya ng male pronoun na him. 

    Kuwento ng excited grandma, “Reposting this picture just because I am already deeply, madly in love with my baby who is inside Paulina’s tummy. Yes, I call him MY baby because I am even more excited now than when I had my own actual baby. I love you so much @paulinavls, and I promise to be the best and coolest Lola in the world. I love you so much, baby K!!!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa pa sa mga well-wisher ng mag-asawa ay ang ate ni Paulina na si Danica Sotto-Pingris. Panganay si Danica sa kanilang mga anak ni Vic. Siya at ang sumunod na si Oyo Sotto ay mga anak din ng aktres na si Dina Bonnevie. Ang pangatlo ay si Pasig City mayor Vico Sotto, na ang mommy naman ay isa ring aktres at dating Eat Bulaga! co-host na si Coney Reyes. Sumunod si Paulina, at ang bunso ay si Tali Sotto, sa current wife at co-host ni Vic na si Pauleen Luna.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles