Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Presidential Daughter Kitty Duterte, Positibo sa Dengue

    Naka-confine ngayon ang pinakabatang anak ng pangulo.
    by Ana Gonzales .
Presidential Daughter Kitty Duterte, Positibo sa Dengue
PHOTO BY vduterteee
  • Ayon kay Senador Bong Go, balisa ang pangulo sa kanilang biyahe pabalik ng Pilipinas mula Russia dahil sa pag-aalala sa kalagayan ng kanyang bunsong anak na si Veronica o mas kilala bilang Kitty.

    Iniulat ng GMA News Online na pagkatapos ng arrival speech at ilang minutong pagsagot sa mga tanong ng media, dumiretso na rin agad ang pangulo sa airport. Dagdag pa ng senador, hindi halos nakatulog ang pangulo dahil sa pag-aalala.

    PHOTO from Instagram
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Noong isang taon, isa ang presidential daughter sa mga nagpa-inject ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia. Ipinatigil ng Department of Health ang dengue immunization program Disyembre 2017 matapos sabihin ng vaccine maker na Sanofi Pasteur na hindi dapat iturok ang bakuna sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue.

    More from Smart Parenting

    Bagaman maraming pag-aalinlangan tungkol sa Dengvaxia dahil sa mga lumabas na kontrobersya tungkol dito noong isang taon, walang naitalang severe dengue case na kaugnay ng naturang bakuna.

    PHOTO from Instagram
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ngunit kamakailan lamang iniulat na hindi inaprubahan ng DOH ang apela ng Sanofi na alisin na ang ban sa Dengvaxia vaccine. Ayon sa DOH, patuloy na hindi naibibigay ng Sanofi ang mga pertinenteng dokumento na kailangan upang maipakita ng kumpanya na ginawa nila lahat ng kanilang makakaya upang maiwasan ang anumang adverse effects sa sinumang magpapabakuna o nagpabakuna na.

    More from Smart Parenting

    Sagot naman ng Sanofi, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang patunayang sinunod nila ang lahat ng batas at regulasyon na may kaugnayan sa kanilang produkto.

    PHOTO from Instagram
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ngayong araw na ito naman ay dinalaw ng pangulo ang kanyang anak sa ospital sa Davao City kung saan ito naka-confine. Ibinahagi ni Kitty ang pagdalaw ng kanyang ama at ilang mga kaibigan sa social media account nito.

    Sa press briefing naman ng Malacañang, ibinahagi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na nagpapagaling na ang anak ng pangulo. "Pagaling na," ang sabi ni Panelo sa press. Ito rin ang naunang nabanggit ni Senador Go sa ilang mga panayam ng media dito. "Okay naman po siya. On her way to recovery na po siya. Sa awa ng Diyos maayos naman po. Umaakyat na ‘yung kanyang platelet and hopefully ay gagaling na siya," sabi ni Go.

    Nagpabakuna ba ang iyong pamilya para sa dengue? Mayroon na ba sa pamilya ninyo ang nagkaroon ng dengue? I-share ang iyong experience sa Smart Parenting Village

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles