embed embed2
  • Ang Big Reveal Ni Roxanne Barcelo At Ng Kanyang Husband: 'He Has Cracked The Code To My Heart'

    Sinagot ng mag-asawa ang mga tanong sa kanila ng netizens.
    by Ana Gonzales .
  • Simula nga nang ibahagi ni Roxanne Barcelo ang kanyang kasal at pagbubuntis, marami na ang nag-abang sa pagpapakilala niya sa kanyang hubby.

    Sa kanyang dalawang pinakahuling vlogs, pinaunlakan na rin niya sa wakas ang kanyang mga fans sa isang heart-to-heart talk kasama ang husband niya.

    Hindi man humarap sa camera si hubby, marami namang natutunan ang mga fans tungkol sa kanilang dalawa. Narito ang ilan sa mga napagkwentuhan nila:

    Taga-saan ka at saan ka lumaki?

    "I was born in Hong Kong," sagot ng husband ni Roxanne. "I was there for several years and then my family and I moved to Taipei, Taiwan," kwento niya.

    Saan kayo nagkakilala?

    "We met at a social function by a mutual friend," kwento ni hubby. Isang taon din silang dating bago sila nagpakasal. Ayon kay hubby, nagustuhan niya si Roxanne dahil pareho sila ng values at ambisyon. "We can be weird together," sabi niya.

    Anong madalas ninyong pinaga-awayan at paano ninyo ito hinahandle?

    "You always have to handle it with grace," sabi ng hubby niya. "We fight over closing the door when the air conditioning is on," biro pa nito. Ayon pa sa kanila, iyon lang naman ang pinagtatalunan nila sa kasalukuyan.

    Nagkakapikunan din daw sila kapag nauubos nila ang pagkain ng isa't-isa. Kwento naman ni Roxanne, nagtataka rin siya dahil 'yung mga ayaw niyang kainin bago siya magbuntis ay gustong-gusto na niya ngayon.

    Kung may ituturo ka kay Roxanne na isang bagay, ano ito?

    "I think you're perfect the way you are," sabi nito. "She's got all the tools to develop herself develop her character," dagdag pa nito. Ngunit kung may isang bagay daw siyang pwedeng ituro kay Roxanne, ito ay ang baking. "Because you've always wanted to know how to bake," sabi nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa part 2 ng kanilang Q&A, si Roxanne naman ang tinanong ng kanyang hubby. Sa tanong na 'What do you like about kids?' naging emosyonal si Roxanne.

    "I love kids because I feel like I'm like a kid, in a lot of ways," sabi ni Roxanne. "I love how creative they are. They're not pretentious at all," dagdag pa niya.

    "There is no fear yet, there is no judgment," sabi pa niya. "I love how curious they are and enthusiastic and positive."

    "I love who I am when I'm around kids," kwento niya.

    Ang kanilang big reveal: It's a boy!

    Sa dulo ng kanilang Q&A ay nagpaunlak ng surpresa ang mag-asawa. "Are we having a boy or a girl?" tanong ni hubby.

    Inilabas ni Roxanne ang isang stuffed toy na blue elephant na ipinadala ng kanyang brother-in-law. "We showed them the ultrasound shots," kwento ni Roxanne. "We are having a beautiful boy."

    Naging emosyonal naman si Roxanne habang sinasabing masayang-masaya siya at hindi na sila makapaghintay mag-asawa sa kanilang baby boy.

    Pwede mong panoorin ang kabuuan ng video niya dito:

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles